^

Pang Movies

Ken, matagal pinangarap si Bianca   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ken, matagal pinangarap si Bianca              

Dream come true for Kapuso actor Ken Chan na makatrabaho si Kapuso actress Bianca Umali sa isang serye.  Inamin ni Ken na matagal na niyang dream makatrabaho si Bianca, kaya nang i-offer sa kanyang ang second episode ng Mano Po Legacy, tinanggap niya agad. Rom-com ang serye titled Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Kahit naman pala si Bianca, sa isang interview na tinanong siya kung sino ang actor na gusto niya makatrabaho, si Ken din ang sagot niya. “Alam ko po kung gaano kahusay na actress si Bianca, at nagkataon pa na lahat ng mga ginawa naming serye, may mga advocacies ang tema ng projects namin. Kaya nakakatuwa po na binigyan naman kami ng ibang tema na malayo sa mga seryosong projects na nagawa na naming dalawa. Kaya very light ng mga eksena namin sa ta­ping, plus mga bago rin ang kasama namin sa cast.”

Malapit nang matapos ang Mano Po Legacy: Her Big Boss every night sa GMA 7 after ng suspenserye na Wi­dows’ Web. Meanwhile, naghahanda na si Ken para sa bago niyang song na ilalabas under GMA Music.

Rabiya, feeling blessed sa pagiging chikadora

Feeling blessed si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, nang for the first time, naging TV correspondent siya sa Chika Minute last Holy Wednesday, April 13,  sa 24 Oras.

“It’s so exciting to be the guest Chika Minute anchor in 24 Oras,” post ni Rabiya sa kanyang Instagram. “It’s so exciting and refreshing to do something new outside your comfort zone. Matagal ko na rin kasi gustong mag-try ng hosting, kasi as a person, madaldal talaga ako.”

May celebratory dance pa si Rabiya after her smooth delivery ng kanyang first hosting lines on TV. Si Jeric Gonzales naman, ang very supportive boyfriend niya, showed his support for her on Instagram, writing a comment under her post, “Proud of you always.”

Andrea, ‘di priority si John Lloyd

This Easter Sunday, April 17, back to normal programming na ang GMA Network, at mga fresh episode na ng shows nila ang mapapanood. Like sa Sunday noontime show na All-Out Sundays, ipakikilala na ang bubuo sa Sparkada mula sa newest Sparkle GMA Artists, 12nn. 

From there, tuluy-tuloy na ang new episodes ng GMA shows hanggang sa gabi.

Like, natupad na rin ang pagtatambal for the first time nina Andrea Torres at John Lloyd Cruz sa Happy ToGetHer na matagal nang inasam ng viewers. Kaya may tanong ang netizens kung magi­ging regular na raw katambal ni JLC si Andrea sa sitcom. Pero mukhang hindi pa rin pwede si Andrea dahil before Holy Week dumating na sa bansa ang Argentine cast and crew ng movie na Pasional, headed by her leading man, a top Argentinian actor, Marcelo Melingo, para sa second leg of filming ng international film nila. Tiyak na lock-in ang shoot nila, dahil out of town ang location, at tiyak na susunod sila sa health protocols na pinaiiral sa bansa.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with