^

Pang Movies

Rabiya, inamin si Jeric?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Rabiya, inamin si Jeric?!

Akala ng mga nanood ng PEP Live guesting ni Rabiya Mateo na itutuluy-tuloy niya ang pagre-reveal kung sino si letter “J” na unang tao na tinext niya sa araw ng interview sa kanya.

Sa tanong ng “First person you texted today,” na ang reaction ni Rabiya ay hindi raw siya makakapagsinungaling.

Hindi rin naman pumayag nag-interview na mabanggit ni Rabiya kung sino si letter “J,” sinabihan siya na kahit initial na lang ng taong tinext niya ang kanyang sabihin at hindi na ang buong pangalan nito.

Kahit naman, “Nag-i-start sa letter J” ang sagot ni Rabiya, may mga nakahula na si Jeric Gonzales ang tinutukoy niya. Sa mga clueless kung sino si J, nagpa-hashtag sila ng #SinoSiJ.

Bakit kasi hindi pa aminin nina Rabiya at Jeric kung sila na para hindi na sila mahirapang magtago pa at para hindi na rin mahirapan ang mga Marites na mga walang alam sa paghula. Pareho naman silang single at walang maghahabol kung aaminin nila.

Hindi rin makakasira sa career nila ni Jeric ‘pag nalaman ng fans na sila na. Tanggap si Rabiya sa Agimat ng Agila bilang isa sa magiging love interest ng karakter ni Sen. Bong Revilla. Si Jeric naman, kasama raw sa cast ng teleserye nina Bea Alonzo at Alden Richards sa GMA 7.

Carlo, nili-link kay Maine!

Naaliw naman kami sa nabasa naming comment sa Instagram ni Carlo Aquino na dahil hiwalay na naman sila ni Trina Candaza, si Maine Mendoza na lang ang ligawan ng aktor. Crush naman daw ni Carlo si Maine, ito na lang ang mahalin niya at dahil nagtambal na sila sa pelikula, hindi na sila mahihirapang pakisamahan ang isa’t isa.

May nag-remind lang kay ate Gurl na nag-comment noon na may pamilya na si Carlo, may problema lang sila ni Trina. Saka, si Maine ay may boyfriend na at hindi ito papatol sa may asawa’t anak at babaero pa.

Saka, hindi papayag si Arjo Atayde na basta na lang mawawala sa kanya si Maine. Lalo na at sa Valentine’s Day post nito, ang caption sa photo nila ni Maine ay “If there’s one thing I’m sure of... it’s you. Happy Valentine’s Day, pie pie. I love you.”

Sixto, grabe ang kaguwapuhan

May more than 26 M followers na sa Facebook si Marian Rivera at ganu’n karami ang nakakita sa picture nina Marian at anak na si Sixto na kung saan, ang guwapo-gwapo nito. Ang tanong pa rin ay kung sino ang mas kamukha ni Sixto kina Marian at Dingdong Dantes.

Siguro, maghintay pa tayo ng ilang taon, kapag mas malaki na si Sixto at mas malinaw na kung sino sa kanyang parental ang kanyang kamukha. Sa ngayon, parang may sariling mukha si Sixto, sariling kaguwapuhan at mas guwaguwapo pa habang siya ay lumalaki.

Kaya, hindi na bago ang mga comment na “guwapo,” “lakas ng Spanish blood,” “cute,” “pogi” patungkol kay Ziggy. ‘Katawa rin ang payo kina Marian at Dingdong na gumawa pa sila ng maraming anak dahil sayang ang genes nila.

Gabby, lumitaw na uli sa IG

Open na uli ang Instagram ni Gabby Concepcion, inayos lang pala nito ang feed niya at kapansin-pansin na puro sa First Lady ang kanyang pino-post. Si Gabby na yata sa cast ng rom-com series ng GMA 7 ang pinakamasipag mag-promote at ang maganda, hindi lang siya at si Sanya Lopez ang ipino-promote, kundi ang buong cast.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with