Julia alert Joshua may trust issue sa babae, ramdam na ‘di magiging jowa si Ivana!

Hinarap ni Joshua Garcia ang mga tanong tungkol sa kanyang love life sa unang palabas ng Truth or Dare be­nefit interactive show series, ang ikalawang fund­raising activity ng Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan Sa Pagtutulungan ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga nasalanta ng typhoon Odette.

Inintriga nga ng hosts na sina Alora Sasam at Darla Sauler si Joshua sa kanyang love life ngayon kung saan sinabi ng Viral Scandal star na “Nakaka-miss ‘yung may nilalambing. Miss ko na ‘yung ganun na feeling. Miss ko na ‘yung may inaala­gaan ako. Siguro hindi pa ngayon. But I can wait.”

Si Julia Barretto ang last na nakarelasyon at common knowledge ang mga nangyari sa kanila.

Inamin din niya na nagkaroon siya ng trust issues kaya natatakot siyang magmahal muli, pero ‘di niya sinasarado ang puso niya sa posibilidad. Aniya, “Kahit walang akong girlfriend, I’m happy na nagiging best version pa rin ako ng sarili ko.”

Bago makapagbato sina Alora at Darla ng tanong at hamon kay Joshua, kinailangan munang magbigay ang mga manonood ng ilang diamonds at virtual gifts sa Kumu. Sinimulan ni Joshua ang programa sa pamamagitan ng isang live performance ng kanyang viral na sayaw, na mayroon na ngayong mahigit 93.5 milyong views sa TikTok.

Nang umabot na sa 800,000 diamonds, tinanggap ni Joshua ang unang dare na tugtugin ang kanyang gitara.

Habang kinikilig ang mga netizen, tinanong si Joshua kung sinong babaeng Kapamilya star ang nais niya maging text mate.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, pipiliin daw ni Joshua ang aktres na si Ivana Alawi.

Napatanong tuloy sina Alora at Darla kung “jojowain o totropahin” ba ni Joshua si Ivana. Sagot ni Joshua, “Siyempre jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba? I mean, mabait, maganda, sexy...”

Ngunit nilinaw din niya, “Pero ‘di kasi lahat ng tao meant para magkarelasyon, alam mo ‘yon? May nakatadhana sayo na mame-meet mo lang para ma­ging kaibigan mo.”

Matapos maabot ang dalawang milyong diamonds, tinupad ni Joshua ang isa sa pinakahinihiling ng viewers, ang tawagan na niya si Ivana. Tinanong din ni Darla si Ivana kung jojowain o totropahin ba nito si Joshua. Mabilisan itong sinagot ng aktres ng “Secret!”

Sa paglipas ng gabi, hinamon si Joshua na tawagan ang iba pa niyang kapwa stars tulad nina Daniel Padilla, Dimples Romana, at ang kanyang  Darna: The TV Series co-star at dating ka-love team na si Janella Salvador.

Tinawagan din ni Joshua ang kanyang Viral Scandal leading lady na si Charlie Dizon. Tinanong ng actress kung bakit siya napatawag at sinabi lang ni Joshua, “Miss na kita eh!”

Sa susunod na siyam na gabi, marami pang Kapamilya hotties ang haharap sa mga nagbabagang tanong at hamon ng fans habang hinihikayat silang tumulong sa mga nasalanta ng Odette. 

John Lloyd, itatambal kina Marian and Maine?!

After Marian Rivera na ‘why not’ ang sagot sa lumabas na posibleng magtambal sila ni John Lloyd Cruz sa isang mala-K drama na teleserye, pinu-push din ngayon si Maine Mendoza na maging leading lady ng Kapuso actor.

Nauna na ngang napabalita ang tungkol sa sinasabing pitching ng project for John Lloyd and Marian this year.

Pero maingay rin ang fans ni Maine tungkol sa tambalan diumano nila ni John Lloyd.

Ahh parehong mina-manage ng Triple A Management ni Mr. Tony Tuviera sina Marian and Maine. Kaya walang problema kung magsama-sama sila sa isang teleserye.

Ryza at Kuya Kim, nag-offer din ng pampiyansa sa lolong nakulong dahil sa mangga

Ah nagkita na kaya sina former Miss Universe Philippines / now Kapuso actress Rabiya Mateo at lolo Narding Floro na nakabalas na ng kulungan matapos arestuhin dahil sa 10 kilos ng mangga?

Maraming netizens ang nadurog ang puso sa na­ging kapalaran ni lolo dahil lang sa mangga.

Kahapon nga ay nag-IG story si Rabiya na “Can someone bridge me to Lolo. Finding ways to contact him?”

Inaresto nga si lolo base sa warrant ng 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC) ng Asingan-San Manuel last Dec. 20, 2021.

Sabi kasi ni Lolo ang akala niya ay sa kanilang lupa nakatanim ang mga nasabing puno ng mangga na pinagpitasan niya ng bunga pero pinagbintangan siyang ninakaw iyon.

Dagsa naman ang nag-offer ng P6,000 na pang-bail ni lolo kasama na sina Ryza Cenon and Kuya Kim Atienza pero nakalabas na nga siya.

Show comments