^

Pang Movies

Tito, Vic & Joey, solid pa rin!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tito, Vic & Joey, solid pa rin!

Fifty years na this year ang Tito, Vic Sotto and Joey de Leon trio ayon kay Senate Speaker Tito. Nagsimula sila sa TV show na Okay Lang at nag-branch out na sa ibang fields.

Pero nananatili pa rin silang buo at Eat Bulaga ang dahilan kung bakit matatag pa rin ang triumvirate nila.

Humarap sa virtual mediacon ang ilang Eat Bulaga Dabarkads sa renewal ng kontrata ng show sa Kapuso Network.

Sa totoo lang, 27 years na nananatili sa GMA ang longest running noontime show.

“Part na ng buhay namin ang Eat Bulaga. Kahit wala pang social media, may digital platform na, hinahanap ng katawan namin. Sabi nga namin ngayon, basta may bahay, may Eat Bulaga!” pahayag ni Tito.

Ilang taon na lang ay 50 years na sa telebisyon ang Bulaga. Kaya sa pagpirma ng bagong kontrata, tuluy-tuloy pa rin ang kaligayahan tuwing tanghali dahil sa Eat Bulaga!

Congratulations, Eat Bulaga!

Tuesday, may COVID ulit!

Kalungkot naman ang balitang matapos ianunsyo ang pagbubuntis sa ikaapat na baby nila ni Drew Arellano eh naging positive sa COVID-19 si Iya Villania.

Triple ingat ang ginagawa ngayon ni Iya lalo na’t may mga bata pa siyang anak.

Samantala, sa pangalawang pagkakataon eh naging positive rin sa CO­VID-19 ang komedyanteng si Tuesday Vargas.

Ini-reveal ni Tuesday sa kanyang vlog ang pagiging positibo muli kaya paalala niya sa lahat, “The vaccine doesn’t shield you 100 percent from the virus kaya dapat mag-ingat talaga!”

EAT BULAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with