Bagong evict ni Kuya na si Chie Filomeno bagong Ginebra girl, pantapat kay Bea!

Matapos lumabas sa bahay ni Kuya, ipinakilalang bagong Ginebra calendar girl si Chie Filomena.

Yes, inilunsad ng Ginebra San Miguel ang Kapa­milya actress at social media vixen na si Chie bilang 2022 Calendar Girl. Dama ang kaligayahan ni Chie, na umagaw ng eksena bilang isang celebrity housemate sa TV reality sa PBB Season 10, nang opisyal siyang ipakilala noong Miyerkules (Dis. 1) sa pamamagitan ng online launch event bilang pinakabagong miyembro ng pamilya ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI).

“To be a part of the Ginebra San Miguel family is such a big fulfillment for me. This is a dream come true. I am really happy and grateful to be a part of the brand’s legacy,” says Filomeno, adding that being chosen by the maker of the world’s largest-selling gin as its calendar girl marks an important milestone in her budding showbiz career.

Show comments