_pang-masa
^

Pang Movies

Dantes squad, nag-Halloween break sa beach

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dantes squad, nag-Halloween break sa beach

Nag-early Halloween break ang Dantes Squad, sina Dingdong Dantes, Marian Rivera at mga anak na sina Zia at Ziggy. Kung tulad ng dati ay pinu-post ni Dingdong kung saan sila nagpunta, this time ay ipinakita lamang nila ang napakagandang beach na kinaroroonan nila, na sabi ay somewhere in Palawan. 

Mga beach buddies ang mag-anak kaya naman basta may chance, sa beach sila pumupunta. Ang gaganda ng Instagram posts ni Dingdong, ng paglalaro ng mga anak sa beach, at ang napakagandang post habang natutulog sa balikat ni Marian si Ziggy. At siyempre, hindi mawawala ang lambi­ngan posts ng mag-asawa.

Expected nang babalik ng Manila ang mag-anak before Nov. 1, kaya hinihintay na ng DongYan fans kung ano naman ang Halloween costumes na ipasusuot ni Marian sa mga anak. Mahusay gumawa ng costumes si Marian sa bawat occasion na ipinagdiriwang natin.

Reunion nina John Lloyd at Bea, fake!

Not true na nagsimula nang mag-taping sina John Lloyd Cruz at new Kapuso actress Bea Alonzo para sa teleserye nila sa ABS-CBN, nang makita silang nagsu-shoot sa BGC sa Taguig City. Balitang sa ngayon daw ay wala pang liwanag kung matutuloy ang serye nina JLC at Bea, kaya ang mga pinagkakaabalahan muna niya ngayon ay ang pagsu-shoot ng TV Commercials para libre na siya bago sila magsimula ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ng lock-in taping ng Philippine adaptation ng Korean movie na A Moment To Remember, for Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

Naka-schedule na ang pagsisimula nila ng taping mid-November at kung kailan ito matatapos before the Christmas break.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with