Ciara, nag-react para sa kanyang parents!

Ciara

Nag-react si Ciara Sotto sa IG post ko at column kung bakit hindi tayo invited sa meet the press ng mga Sotto. Kasi nga alam ni Ciara na close ang mommy niyang si Helen sa barkada natin nila Cristy Fermin. Hinahanap daw kami ni Helen pero hindi niya alam na hindi kami invited ni Aster Amoyo na siyang nag-offer para mag-ayos ng naturang meet the press. Siyempre si Aster ang pipili ng mga invited at siguro wala kami sa listahan niya ng mga gusto niyang makasama sa presscon.

Okey lang iyon dahil siyempre si Aster ang namahala, iyon gusto lang niya ang invited niya, kaya understandable. Huwag kang mag-alala Ciara kahit hindi kami nakapunta para sa amin mananatiling kaibigan namin ang mommy Helen mo na napakabait sa amin.

At kasama mo kaming nagdarasal na sana matupad ang pangarap ng father mong si Sen. Tito Sotto. Kung anuman ang kalabasan ng journey na ito ng father mo, iyon buo ang pamilya n’yo all these years isang malaking tagumpay for the Sotto family. Mananatiling nandun ang pagmamahal at respeto namin sa pamilya n’yo dahil naging napakabuti nyo sa amin.

Kisses, matunog sa MUP

Alam n’yo ba na tuwing nakikita ko mga photos ni Kisses Delavin, naaalala ko si Ricky Lo. Kasi for a long time, nag-rent sa unit ni Lorna Tolentino sa Imperial Palace sila Kisses at ang mother niya. At laging sinasabi ni Ricky na mabait ang mother ni Kisses.

Hindi gaanong naka-buwelo ang showbiz career ni Kisses pero mukhang bongga siya sa beauty contest. Ang lakas ng dating niya sa Miss Universe Philippines competition at mukhang run away winner siya.

Ang laki nang naging transformation niya, at ibang-iba na ang aura. Kaya nga madalas kong biro na baka pag nanalo si Kisses tumaas ang rental sa Imperial Palace at pati resale value nito.

Siyempre pag nanalo si Kisses dapat pang beauty queen ang dating ng Imperial Palace para happy si Mother Lily at Meme Monteverde.

Dapat manalo si Kisses dahil tiyak happy ang mother niya na in fairness mabait talaga. 

Show comments