Zia showbiz na, kasama sa prod team ng tadhana!

Aba, bahagi pala ng production team si Zia Dantes ng Tadhana tuwing may taping sa bahay nila.

Dahil sa pandemic, sa bahay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes nagaganap ang taping ng bawat fresh episodes. Si Dong na rin ang director ng GMA Kapuso docu-drama.

Ipinasilip ni Yan sa kanyang Instagram story ang papel ni Zia sa taping – little camera operator, huh!

Sa totoo lang, isang tao lamang ang kasama nina Dong, Marian at Zia sa taping sa bahay. Lumalabas itong family production mula sa Team Dantes!

At least, sa murang edad eh alam na ni Zia ang klase ng trabaho ng mga magulang, huh!

May suweldo kaya siya as camera operator?

BL movie ng Regal, mapapanood sa gtv!

Mapapanood na ang Regal Boys’ Love movie na Ben X Jim sa Sept. 26.

Ito ay matutunghayan sa Heart of Asia channel ng GMA at umeere na ang TV teaser nito.

Bida sa BL sina Jerome Ponce at Teejay Marquez mula sa direksyon ni Easy Ferrer.

Ang isa pang Regal produced movie na mapapanood sa Kapuso channels ay ang Mano Po franchise.

Show comments