Beauty, pumayag sa mas bata!

Beauty

It was in June 2021 nang lumipat ang ex-Pinoy Big Brother housemate-turned Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez sa bakuran ng Kapuso Network.

Ngayon ay mapapanood ang aktres sa kanyang first TV series sa GMA, ang Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette kung saan niya makakatambal ang young actor na si Kelvin Miranda. Tampok din sa nasabing serye sina Bing Loyzaga, Adrian Alandy, Tatt Carlos, Polo Ravales, Lloyd Samartino at iba pa.

Guidance counselor ang papel na gagampanan dito ni Beauty habang ang character naman ni Kelvin ay estudyante niya na mai-in love sa character ni Beauty.

Si Beauty ay huling napanood sa hit afternoon TV series ng ABS-CBN, ang Kadenang Ginto kung saan lumutang ang young love teams nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, at Francine Diaz at Kyle Echarri na siyang mga bida ngayon ng sarili nilang serye, ang primetime series na Huwag Mangamba.

Pagkatapos ng stint ni Beauty sa PBB: Teen Edition in 2008 ay naging contract talent siya ng ABS-CBN kung saan siya nanatili until 2020.

Taong 2014 nang ipareha siya kay Zanjoe Marudo sa hit afternoon TV series na Dream Dad at kasunod na rito ang morning TV series na Ningning ni Jana Agoncillo na hindi na niya tinapos dahil ipinagbubuntis na niya noon ang first baby nila ng kanyang husband na si Norman Crisologo na si Olivia, now four years old.

Pagkapananganak niya ay bumalik siya sa Pusong Ligaw in 2017 na tumagal hanggang 2018, at huling TV series naman niya ang Kadenang Ginto na tumagal ng dalatawang taon mula 2018 hanggang 2020.

At nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN napanood naman siya sa programa ng TV5.

Jorox, sinalo ang serye nina Jolina at Marvin

Alam mo, Salve A., bibihira siguro ang nakakaalam na hindi sina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa ang first choice lead actors sa TV series na Hoy, Love You! kundi sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. 

The project was supposed to have started noong November 2020 pero at the last minute ay umatras umano ang actor-businessman. Kaya walang choice kundi palitan silang dalawa ni Jolina at ito’y napunta kina Roxanne at Joross na naging magka-loveteam din noong 2004 until their breakup in 2006.

Walang dahilan na ibinigay kung bakit nag-back out si Marvin kaya pati tuloy si Jolina ay nawalan ng proyekto.

Marvin and Jolina’s loss was Roxanne and Joross’ gain dahil sa kanila napunta ang napakagandang proyekto.

Alam ng marami na pareho nang happily married sina Roxanne at Jorros sa kanilang respective non-showbiz partners kung kanino na sila may mga anak.

Tatlo ang anak ni Roxanne sa kanyang Fil-Chinese husband na si Elton Yap at may dalawa namang anak si Joross sa kanyang wife na sia Kathy Kimberly Saga.

Nanatili silang magkaibigan kaya hindi naging mahirap ang muli nilang pagtatambal sa Hoy, Love You! na meron nang pangalawang season na nagsisimula ngayong Sabado, Sept. 11.

Thankful din ang dalawa na tinanggap ang kanilang balik-tambalan sa telebisyon kahit alam nila na pareho na silang may mga sariling pamilya.

Show comments