^

Pang Movies

Tony, binantaan ng perjury!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tony, binantaan ng perjury!
Tony

Hindi maliwanag kung ano talaga ang sinasabi ng isang babae na nag-post sa social media na sa kabila raw ng lahat ng ginawa niyang pagtatakip at pagtatanggol kay Tony Labrusca ay sinasabi pa noong sinungaling siya.

Nagbabanta siyang sasampahan ng kasong perjury ang male star.
Ang perjury ay hindi pagsasabi nang totoo sa isang sinumpaang statement, halimbawa ay isang kasulatang legal. Pero hindi naman niya sinabi kung ano ang sinumpaang statement ni Labrusca na ayaw nitong aminin ngayon.

Nanawagan siya sa mga taong nakasama nila sa iba nilang lakad at parties para patunayan na wala nga sa ayos si Labrusca oras na nakainom na. Ang mas matindi pa sinasabi niyang diumano ang actor ay gumagamit ng droga.

Pero baka ma-trouble rin ang babae dahil papaano kung wala ngang tumestigo sa kanya na totoo ang lahat ng sinabi niya laban kay Tony? Kung totoo man ang sinabi niya, puwede pa rin siyang kasuhan ng libelo dahil kahit na totoo, nakasira iyon sa reputation ng aktor.

Ang mas tama sanang ginawa niya ay isinampa muna niya ang sinasabi niyang kaso ng perjury at saka siya nagalita sa social media.

Pero iyong nauna ang social media, puwede pang palabasin na iyon ay paninira lamang niya laban sa actor. Hindi natin alam kung ano ang totoo, at hindi tayo maaaring kumampi kahit kanino.

Sayang si Tony kung masisira lang siya sa kung anu-anong intriga.

Kung ‘di totoo, agad na linisin ang pangalan niya.

Long, gumawa ng ingay

Sinasabi ng syota niyang si Derek Ramsay at maging ng co-star na si John Estrada na hindi raw nag-walk out si Ellen Adarna sa kanyang taping.

Nang umalis daw iyon ay tapos nang kunan ang lahat ng eksena niya. Iyon naman daw issue na hindi na siya isinali sa third season ng serye, dahil daw iyon sa katotohanan na ang usapan lang talaga ay isang season. Pumayag na nga raw siyang ma-extend ng isa pa, pero sa pangatlo hindi na talaga.

Ang katuwiran umano ni Ellen ay gusto niyang harapin ang responsibilidad ng buhay may asawa matapos silang magpakasal ni Derek.

Pero hindi ganoon ang sinasabi ng komedyanteng si Long Mejia. Mayroon pa nga raw eksena na kailangan ang buong pamilya, pero nawala na si Ellen.

Bukod doon, may inilabas pa si Long. Sa buong panahon daw ng kanilang lock-in taping ay naroroon din si Derek at kasama niya si Ellen sa isang kuwarto na ang nagbabayad ay ang produksiyon.

Dapat naman daw, por delicadeza, kumuha ng ibang kuwarto si Derek na siya ang nagbabayad.

Nakahanda raw humarap si Long kahit na kanino para patunayang totoo ang sinasabi niya.

Sexy male star, protektado ng Congressman

Congressman diumano ang sinasabing protector ng isang sexy male star kaya malakas ang loob noon at wala siyang pakialam kung may makuha man siyang trabaho o wala, after all nandiyan naman si “cong” na nakahandang magbigay ng ayuda sa kanya.

Nagkakilala daw ang sexy male star at si Cong. sa isang party, nagkapalitan ng cellphone numbers, nag-text at iyon na ang naging simula ng lahat.

Wala na tayong pakialam kung ano man ang usapan nila o naging relasyon nila ngayon. Ang punto lang hanggang kailan kaya siya mabibigyan ng proteksiyon ni Cong.?

TONY LABRUSCA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user