_pang-masa
^

Pang Movies

John Lloyd, ‘di alam kung gustong pakasal!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John Lloyd, âdi alam kung gustong pakasal!
John Lloyd

Inamin ni John Lloyd Cruz na nang dumating si Elias Modesto sa buhay niya ay hindi pa siya ready na maging ama. “Tingin ko, isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it,” ani Lloydie sa panayam with Karen Davila sa bagong podcast nito.

Pero nilinaw naman niyang hindi naman siya natakot sa pagiging isang ama.

“I didn’t get scared at all. I was scared to admit na parang ‘uy, medyo it’s a little bit too much that what I expected. Pero ‘yun yata ‘yun, eh. I think, that’s the whole essence of it,” aniya.

When asked kung ano ang feelings niya about being a father, aniya, “probably, the most fascinating thing in my life right now. What I’m learning from him, what I’m learning about him, galing, eh. Parang ‘yun, parang you’ll submit to it.”

At bilang ama, aniya ay hindi raw niya didiktahan ang kanyang anak at gusto niyang magkaroon ito ng sariling pag-iisip.

Natanong din kung active father siya at sagot ni Lloydie, “not as much as I want to, kasi I’m sharing him with the mother, and siyempre, mas nag-i-spend time ‘yung dalawa.”

Sa tanong kung gusto pa niyang magmahal, sey ng aktor, “oo naman.”

Will he ever get married?

“Alam mo, mahirap magsalita nang tapos, eh. Sometimes we do things para sa mga love natin na wild, ‘di ba, parang out of character. You’ll never know kung ano’ng pwede mong gawin when you’re in love,” saad ni John Lloyd.

Nang matanong kung babaero ba siya, ani Lloydie ay hindi raw talaga at image lang daw niya ‘yun.

Pagiging erotic star ni AJ, natatanggap na ng tatay

Aminado si AJ Raval na talagang kumokontra ang pamilya niya sa kanyang pagpapa-sexy lalo na nga ang ama niyang si Jeric Raval na isa ring aktor. “Pero ang tatay ko po kasi, parang pa-konti-konti, natatanggap na niya. Siyempre, artista rin siya and I know po na maiintindihan din po niya,” pahayag ni AJ sa virtual mediacon ng Taya, ang bago niyang digital film sa Viva Films.

Ayon pa sa tinaguriang bagong Pantasya ng Bayan, trabaho lang naman daw ang kanyang ginagawa at wala naman daw siyang natatapakang ibang tao sa kanyang pagpapa-sexy.

She stressed out na kahit nagpapakita siya ng katawan ay may limitasyon naman daw siya at hindi raw niya magagawa ang mag-frontal nudity.

Sa pelikulang Taya ay matindi ang erotic scenes nila ng leading man niyang si Sean de Guzman pero hindi lang daw sila basta naghubad dito kundi ipinakita rin nila ang kanilang acting skills. “Makikita n’yo po rito ‘yung improvement namin bilang artista,” sabi ni AJ.

Mula sa direksyon mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr. na siya ring nagdirek ng erotic-thriller na Adan, mapapanood na ang Taya sa August 27 sa mga streaming platforms na ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at VIVAMAX.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with