^

Pang Movies

Sharon, biglang natameme sa social media

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, biglang natameme sa social media
Sharon

Matagal nang hindi nag-a-update sa Instagram si Sharon Cuneta, nami-miss siya ng kanyang fans at followers. May mga tanong pa naman ang fans tungkol sa screening ng Viva Films movie ni Sharon na Revirginized.

Samantala, ang ganda ng official movie soundtrack ng movie ni Sharon, kasama ang mga kantang Umibig Muli ni Janine Teñoso, Maganda Kahit Matanda ni Marion Aunor, at No Apology ni Karencita.

Sanya, aalagaan ni Mr. M

May pahayag si Mr. Johnny Manahan tungkol kay German Moreno sa pagre-renew ng kontrata ni Sanya Lopez sa GMA Artist Center. “Kung nasaan man siya ngayon, nakangiti nang malaki si Kuya Germs.”

Si Kuya Germs kasi ang dahilan kaya nakapasok at nakilala sa showbiz si Sanya nang kunin siyang isa sa mainstay ng Walang Tulugan. Nasundan ‘yun nang mapasama si Sanya sa cast ng Half Sister and the rest is history.

Dagdag pa ni Mr. M, naging magkaibigan sila ni Kuya Germs kahit magkaiba sila ng network at kay Mr. M pala tumatawag si Kuya Germs kapag may Kapamilya star na gustong i-guest sa Walang Tulugan. “Now Sanya, you are a rising star now, belonging to a new breed of artists sa Artist Center kaya ngayon, nakatukod kami sa likod mo, we will take care of you kahit anong mangyari sa karera mo,” mensahe ni Mr. M kay Sanya.

Speaking of Sanya, in fairness to her, hindi nito nakalimutang i-acknowledge ang former love team na si Rocco Nacino sa binanggit at pinasalamatan niyang Kapuso actor na pumayag maka-partner niya kahit hindi siya sikat.

Parang nagka-isyu kasi ang dalawa bago mabuwag ang kanilang love team, pero ‘wag na nating balikan dahil happy na si Rocco sa kanyang married life at tuloy pa rin ang projects sa GMA 7. Same with Sanya na habang wala pang bagong teleserye, sunud-sunod ang guesting sa shows ng Kapuso Network.

Nabanggit ni Sanya sina Martin del Rosario at Alden Richards sa Kapuso actors na gusto niyang makatrabaho. Sa mga taga-kabila, nabanggit niya sina Paulo Avelino, Jericho Rosales at Piolo Pascual at ang freelancer na si John Lloyd Cruz.

Tommy Abuel, mapapanood sa Probinsyano at Legal…

Mabuti na lang at hindi sabay ang airing ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN at Legal Wives ng GMA 7, kaya hindi sabay mapapanood ang mahusay na aktor na si Tommy Abuel.

Kasama kasi si Tommy sa cast ng Legal Wives bilang si Asad Ampang Alonte, ang ama ni Amirah (Alice Dixson) na nakatira sa Cotabato. Ang karakter ni Asad ay sobrang mahal ang anak at gagawin ang lahat para sa dangal ng anak.

Kasama na rin si Tommy sa cast ng Ang Probinsyano at isa siya sa mga bagong karakter na papasok sa series ni Coco Martin. Hindi lang namin batid kung ano ang role niya rito.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with