_pang-masa
^

Pang Movies

Hidilyn, maalaga sa balat

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Hidilyn, maalaga sa balat
Hidilyn

Imagine na naging endorser pala ng Flawless si Hidilyn Diaz. Bongga. Maalaga rin pala sa skin si Hidilyn kaya ang kinis ng kili-kili niya na takaw-pansin nang iangat niya ang barbell ha. Kaya pala pati facial skin niya makinis dahil alagang Flawless.

Proud siguro si Rubby Coyiuto na ang Pinay Gold medalist ng Olympics isa sa Flawless ladies tulad nina Lorna Tolentino, Jodi Sta. Maria, at Judy Ann Santos.

Lahat sila nagdaan sa mapagpalang kamay ng Flawless, at ngayon si Hidilyn na rin. Mabuti naman at isa si Rubby sa tumatalon sa tuwa nang makuha ni Hidilyn ang gold medal.

Ngayon hindi na magtataka ang marami kung bakit makinis ang mukha at kili-kili ni Hidilyn, dahil pala sa Flawless. 

Miss World candidate, naglantad ng katotohanan

Ang lakas ng dating ni candidate number 3 ng Miss World Philippines na si Joy Barcoma. ‘Yung mga nagaganap sa loob ng organization lalo na sa mga kandidata, inilabas niya lahat.

Malaking tulong din siguro na ang sponsor niya na tumutulong sa kanya ay si Cong. Niña Taduran dahil lumakas ang loob niya na ilabas ang mga nangyayari sa loob. Like sa sobrang pagod pala, nagkasakit ang maraming candidates. At iyon nga, may mga maling­ chismis na ikinakalat ng isang candidate against Number 3 na hindi nito kinaya kaya humingi ng tulong at advice kay Cong. Niña dahil hindi niya alam ang gagawin. Mabuti naman at ipinayo ni Cong. Niña na harapin nito ang hamon at ilabas ang mga katotohanan para malaman ng publiko.

Gusto lang ni Cong. Niña na magkaroon ng lakas ng loob si Joy para matahimik ang kalooban nito na medyo nanghina dahil sa mga maling balita na ikinalat ng kapwa kandidata.

Magandang aral din para sa mga sumasali sa competition na harapin ang mga pagsubok nang buong tapang. Mabuti na lang at merong isang Cong. Niña na tumutulong sa mga may pangarap maging beauty queen.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with