_pang-masa
^

Pang Movies

Barbie, nagsalita sa fake na hiwalayan nila ni Jak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Barbie, nagsalita sa fake na hiwalayan nila ni Jak

Nabiktima na rin ng fake news ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Ipinost ng aktres sa kanyang Twitter account ang screenshot ng balitang naghiwalay na raw sila after four years.

Nakasaad din sa balita na ang dahilan ng hiwalayan ay dahil nakalimutan daw ni Jak ang monthsary nila ni Barbie.

Halata namang fake news ito dahil na rin sa mali-maling grammar at ang the height, dahil sa monthsary talaga kaya naghiwalay?

Bukod dito, last July 28 lang ay nag-upload pa si Jak ng bagong vlog kasama si Barbie.

Pero ang daming bumili sa nasabing fake news dahil ang daming nag-comment at nag-share nito. Sarkastikong caption ni Barbie sa fake news, “125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting... To whoever made this, you’re welcome.”

Andrea, nagha-harvest ng eggs para magka-baby

Kasalukuyan palang nasa proseso ngayon ng IVF (in vitro fertilization) ang dating Viva Hot Babe na si Andrea del Rosario at ito raw ang dahilan kung bakit lately ay hindi siya tumatanggap ng project. “As of the moment, nandu’n po ako sa process ng egg harvest, IVF, so, may instances na talagang masakit man sa loob ko… I’m supposed to be part of The Broken Marriage Vows with Dreamscape, I had to beg off because of that,” ani Andrea sa virtual presscon ng Cinemalaya film niya na Pugon.

May isa nang anak si Andrea, si Bea who is 11 years old, at gusto pa nga niyang magkaroon ng another baby but because of her age na early 40s, baka raw hindi na siya puwedeng mabuntis the normal way.

“So, ‘yun na ‘yung last resort,” she said.

Ang Pugon ay isang narrative statement short film directed by Gabby Ramos. Aside from Andrea, bida rin dito si Soliman Cruz, and introducing Jhassy Busran, Cassie Kim, and Bamboo B.

Also in the cast are Edmond Santiago, Carmen del Rosario, and Sheena Lee Palad.

An initial venture of Rems Films, PUGON is proudly part of the Indie Nation exhibition section of the prestigious Cinemalaya 2021, now on its 17th year.

BARBIE FORTEZA JAK ROBERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with