Yam, lalayasan na ang showbiz?

Yam

Last May 2021 pa tumulak patungong New York City ang Init Sa Magdamag lead star na si Yam Concepcion to be with her fiancé, ang New York-based na si Miguel Cuunjieng.

Kung sa ibang couple ay hindi nagwu-work ang LDR (long distance relationship), it worked for Yam and Miguel na anim na taon nang magkalayo dahil narito sa Pilipinas ang trabaho ni Yam bilang actress at nasa New York naman si Miguel. Pero dahil sa modern technology ay napupunuan nila ang kanilang pangungulila sa isa’t isa.

Noong New Year’s eve of 2019 pa na-engaged sina Yam at Miguel na naganap sa Niseko, Japan pero noong nakaraang June 2021 lamang ipinaalam ni Yam sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

Inamin ng Viva star na nakatakda silang ikasal ni Miguel sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Samantala, patuloy na tinututukan ang hit primetime TV series ni Yam sa ABS-CBN, ang Init Sa Magdamag kung saan niya leading men sina Gerald Anderson at JM de Guzman. Ang role ni Yam sa nasabing TV series was originally intended for Maja Salvador pero umalis na ang huli sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa pagpapakasal ni Yam, iwan na kaya niya ang showbiz?

Anak ni Gina, late bloomer sa showbiz

Although late bloomer sa pagpasok sa showbiz ang anak ng veteran actress at TikToker na si Gina Pareño na si Racquel Pareño, ine-enjoy pa rin niya ito dahil nabibigyan siya ng project na ang pinakabago ay ang upcoming TV series ng GMA, ang Legal Wives kung saan tampok na mga bituin sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Ang mag-inang Gina at Racquel ay magsasama rin sa pelikulang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap under Viva Films.

Si Racquel ay may tatlong anak at meron na rin siyang isang two-year-old na apo na ngayon pa lamang ay kinakikitaan na ng hilig umarte.

Si Racquel ang kasama at nag-aalaga sa kanyang mommy (Gina) dahil may sarili na ring pamilya ang brother niyang si Michael.

Show comments