_pang-masa
^

Pang Movies

Jinkee, ayaw sumawsaw sa intriga sa pulitika, panay lang ang shopping

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jinkee, ayaw sumawsaw sa intriga sa pulitika, panay lang ang shopping
Jinkee

Super awra at lamyerda si Jinkee Pacquiao kasama ang mga anak at kakambal sa Amerika habang ang asawa niyang si Senator Manny Pacquiao ay nagti-training para sa laban ng boksing next month. Base ito sa pictures na pinost ni Jinkee sa kanyang social media accounts.

In between his trainings, abala rin si Sen. Manny sa pakikipagbalitaktakan kaugnay ng gulo sa political party na kinabibilangan.

Siyempre, nag-anunsiyo ang senador na balak tumakbo bilang presidente ng bansa sa 2022. Eh alam naman ninyo ang takbo ng pulitika sa bansa.

Palibhasa, wala namang masamang ginawa ang Senador sa kanyang trabaho, sa ibang bagay na lang siya ginugulo.

Pero si Jinkee, dedma lang. Kayang-kaya nga naman ni Manny ang pinasok nitong pulitika, huh! Sa Diyos na lang siya kumakapit sa sitwasyon ngayon ng boksingerong senador!

Dennis, pagsasaluhan ng tatlong babae

Tatlong babae ang magsasalo sa pag-ibig at katawan ni Dennis Trillo sa coming Kapuso series na Legal Wives – Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Pero sa tunay na buhay, nag-iisa lang si Jennylyn Mercado sa puso ni Dennis. Wala nang iba pa kahit may anak siya sa isang former beauty queen, huh!

Sa totoo lang, nakalulula sa enggrande ang production ng Legal Wives lalo na’t nakapaloob sa kuwento ng buhay at pag-ibig ng mga Maranaw.

Dahil sa series, malalaman natin ang kuwento sa likod ng pagkakaroon ng tatlong asawa ng isang Muslim. May consultant na Muslim habang ginagawa ang Legal Wives.

JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with