Kim, naka-move on na sa pagkamatay ng BFF

Kim

Naka-move on na raw si Kim Domingo sa pagpanaw ng kanyang best friend na si Angelo Fango noong nakaraang taon.

Inamin ng Kapuso sexy actress na dinamdam niya nang husto ang pagkawala ng best friend niya na katuwang niya sa paggawa ng mga content sa kanyang vlog sa YouTube kung saan meron siyang higit na 600,000 subscribers. “Ngayon kasi maraming nangyaring maganda sa buhay ko, sabi ko ‘Parang ang lungkot lang na kung kailan nandoon na, doon naman nawala.’ Pero siyempre sabi ko nga, may dahilan naman din si Lord kung bakit nangyari ‘yon. So acceptance din talaga ‘yung kailangan,” sey ni Kim.

Tatanggap na rin daw ng trabaho si Kim pagkatapos niyang makumpleto ang kanyang bakuna. Sa ngayon daw ay puro virtual muna ang appearance niya sa gag show na Bubble Gang.

Gazini, nag-farewell sa Binibini...

Rumampa sa huling pagkakataon si Gazini Ganados sa nakaraang Bb. Pilipinas Pageant bilang pinakahuling kinoronahan bilang Bb. Pilipinas-Universe noong 2019.

Ang franchise ng Miss Universe ay nawala na sa Bb. Pilipinas Charities, Inc. after 50 years at nagkaroon na ito ng independent organization na Miss Universe Philippines.

Hindi nakapagpaalam nang pormal si Gazini sa kanyang titulo dahil nakansela last year ang Bb. Pilipinas Pageant dahil sa COVID-19 pandemic.
Kaya ginawa ni Gazini ang kanyang farewell walk sa nagdaang Bb. Pilipinas Pageant noong July 11 para pasalamatan ang mga taong sumuporta sa kanya noong mapanalunan niya ang titulo.

Show comments