Baguhang young actress lutang ang pagka-in love sa mas may edad na aktor na kasama sa lock-in

Hindi nakagugulat ang tsikang tila na-in love ang isang young actress sa older actor na kasama niya sa isang serye dahil sa mga interview sa actress, laging nababanggit ang actor.

Example na lang, sa tanong kung sino sa kanya ang sexiest actors, kabilang sa kanyang binanggit ang older actor at may paliwanag pa siya.

Hindi raw nakakabawas ng kaseksikan for a man kung may edad na siya, nasa pagdadala raw ‘yun. Sa mga kasama sa kanyang listahan, ang older actor lang ang mas may edad, the rest na kasama sa kanyang list ay kasing-edad niya o mas bata sa older actor.

Kapag natapos na kaya ang lock-in taping ng serye na ito, in love pa rin kaya ang actress sa older actor?

May precedent na kasi na kapag ang relasyon ay nabuo sa lock-in taping o kaya’y mga relasyon na nabuo sa taping, hindi nagtatagal.

As in, after ng taping, i-expect mo na mawawala na rin ang amor ng isa’t isa lalo na kapag hindi na sila nagkikita o walang komunikasyon.

Mr. M, ayaw makisawsaw sa AOS

Isa siguro si Willie Revillame sa mga tinukoy ni Mr. Johnny Manahan na “some friends from GMA” na nagtanong sa kanya kung interested siya to work in GMA? Sa Wowowin ni Willie una naming narinig na inimbita nito si Mr. M na maging part ng kanyang show at ng kanyang production at ng GMA na rin.

Pero, ang offer ng Brightlight Productions ang tinanggap ni Mr. M at nang matigil ang show na hawak niya sa TV5, naging free agent na uli si Mr. M. Dito na pumasok ang GMA Network and the rest is history.

Pangatlo si Mr. M sa galing sa Kapa­milya na nayaya ni Willie sa GMA. Nauna na ang mag-amang directors na sina direk Bobot Mortiz at anak nitong si director Frasco Mortiz. Si direk Bobot ang magdi-direk ng sitcom nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres at si direk Frasco, iba’t ibang shows sa Kapuso Network ang nadirehe na.

Anyway, natanong si Mr. M kung sino sa Kapuso artists ang gusto niyang makatrabaho?

“Actually, there are a lot of artists in their rosters whom I’ve seen the work. I hope I can, first of all, talk to them through Zoom and then maybe one day, meet them in the flesh.

“People like Alden (Richards), yeah, we’ve  worked with him before he did the movie with Kathryn Bernardo. He’s a very nice boy, very capable.”

“And of course, si Mr. Dingdong Dantes, and his wife, Marian (Rivera). I’d like to meet her,” dagdag ni Mr. M.

“And Heart Evangelista, I think she’s our permanent artist, our permanent baby. Wherever we go, somehow we get a phone call from her or a card.”

Sabi pala ni Mr. M, wala silang papalitan ng kanyang team sa GMA Artist Center at pati na siguro sa All-Out Sundays kahit sinabihan siya ni Atty. Felipe Gozon na tingnan ang variety show at “makisawsaw” siya. Gusto siguro ni Atty. Gozon na magbigay ng suggestions si Mr. M para mas gumanda pa ang show.

Eugene, tinulungan si Pokwang

Napanood namin ang video nang sorpresahin at dalawin ni Eugene Domingo si Pokwang sa taping  ng isang episode ng Dear Uge. Masayang-masaya ang dalawa sa muli nilang pagkikita na kung saan, winelcome ni Uge sa GMA si Pokwang.

Sa sinabi ni Uge na noon pa niya sinasabi kay Pokwang (hindi itinuloy), parang ang gusto niyang tukuyin ay matagal na niyang sinasabihan si Pokwang na lumipat sa Kapuso Network.

Nag-isip tuloy kami, hindi kaya si Eugene ang nabanggit ni Pokwang na kaibigang hiningan niya ng tulong para siya ay makalipat sa GMA?

Nagpasalamat si Pokwang sa pagdalaw ni Eugene sa kanyang ta­ping at pinansin ang taas ng energy ni Eugene sa pagbisita sa kanya.

Dahil dito, mas marami ang nagre-request sa GMA Network na pagsama-samahin sa comedy show sina Eugene, Pokwang, at AiAi delas Alas.

Ryan, nagpaka-daring sa bakuna

May paalala si Judy Ann Santos sa mga magpapabakuna, ‘wag magsusuot ng polo na mahigpit ang manggas para hindi kayo magaya sa asawa niyang si Ryan Agoncillo na hirap na hirap sa manggas ng kanyang polo.

Ang ending, halos hubarin ni Ryan ang suot na polo para lang siya’y mabakunahan. Biro ni Ryan, ‘yun na ang most daring role niya ever TUROK part 2 at nagpaalala rin ng “wag mag polong mahigpit para bakuna’y di sumabit.”

Second dose jab nina Ryan at Judy Ann ang bakuna at kanilang pinasalamatan ang frontliners na wala raw kapantay ang serbisyong ibinibigay sa lahat.

Show comments