_pang-masa
^

Pang Movies

Pangarap ni Ara unlocked na, aktres na naghahanap ng ­mapapangasawa hinihintay ang kapalaran!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pangarap ni Ara unlocked na, aktres na naghahanap ng ­mapapangasawa hinihintay ang kapalaran!
Ara

“My Dream Fairytale Royal Wedding Unlocked,” caption ni Ara Mina sa kanyang latest post.

Sosyal ang kasal ni Ara na naging kontrobersiyal ang lovelife, pero heto siya ikinasal sa isang government appointee at ibinigay ang pangarap niya.

At the end of the day, blessed ang sexy actress dahil natupad niya ‘yun habang ang ibang mga artista, naghahanap pa rin ng puwedeng pakasal sa kanila ng ganung level.

Bigla ngang naalala ang isang actress nang ikasal si Ara.

Pakiramdam nila, malabo nang makapag-asawa ang nasabing actress dahil oo nga at marrying age na siya pero walang nag-alok sa kanya ng kasal.

At ngayon, obvious daw na desperada na itong makahanap ng lalaki pero parang wala raw taker.

Wish nila na matulad ito kay Ara na makahanap ng lalaking pakakasal sa kanya at tutupad sa mga ‘ilusyon’ niya.

Yassi, naka-chika ang idolong NBA player

Kalat sa lahat ng social media platforms ang pagkikita nina NBA player Damian Lillard at Yassi Pressman sa Hollywood.

Kasalukuyang nasa bakasyon ang actress with her sister at isa nga sa highlight ng kanilang biyahe ang meeting nila ng NBA player na nagbigay ng financial assistance at nag-reachout kay Yassi nang magkaroon siya ng donation drive para sa PGH na nasunugan middle of May.

Kasama nga sa mga na-donate sa kanyang initiative ang NBA star na pinasalamatan ni Yassi nang bisitahin niya ang area na nasunog sa PGH noong May.

Kahapon ay nag-post siya ng picture na magkasama sila nito : “It’s about DAM(E) TIME we see each other in person.

“But seriously tho, i wanna say thank you to this big guy for spending time today, for helping me out during my reachout in the PH when the Philippine General Hospital caught fire, & just for being the kind-hearted person that he is.

“You are truly a gem. So down to earth. My most favorite player.

“Can’t wait to see you again soon! “

ARA MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with