^

Pang Movies

Wedding gown ni Ara, parang kopya raw sa gown ni Marian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Wedding gown ni Ara, parang kopya raw sa gown ni Marian
Ara

Napa-google tuloy kami at tsinek ang wedding gown ni Marian Rivera nang ikasal sila ni Dingdong Dantes dahil sa comment ng isang netizen na parang wedding gown ni Marian ang wedding gown ni Ara Mina.

Parang may hawig nga ang wedding gowns ni Marian na gawa ni Michael Cinco at wedding gown ni Ara na gawa ni Leo Almodal. Pareho sa neckline, ‘yun lang part sa taas ng neck area nagkaiba dahil wala noon ang wedding gown ni Marian.

Wala ring sleeve ang wedding gown ni Marian at mayroon noon ang wedding gown ni Ara.

Pareho ring may parang tiara crown headdress sina Marian at Ara na nagbigay sa kanila ng “Princess-like” aura.

Tanong ng netizens kung ultra rich daw ba ang husband ni Ara dahil nabigyan nito ng lavish wedding si Ara.

Heart, sinira ang emote ni Chiz

Minsan lang mag-post ng si Sorsogon Governor Chiz Escudero ng tungkol sa relasyon nila ni Heart Evangelista, pero ‘pag nag-post naman, ang daming kinilig.

‘Yung larawan nila ni Heart na magkasama, sinabayan ng sweet caption na ang sabi, “Relationship goals! Couples should bring out the best in each other. So, if you are a better person because of her, aba, huwag mo na siyang pakawalan! Because of my wife, I have become a better version of myself from years ago. My personal goal: make Mrs. Escudero happy because a happy spouse makes a happy house! #ChizEscudero #Family @iamhearte.”

Naloka lang ang netizens sa naging reaction ni Heart dahil sa halip daw na sagutin ng sweet comment ang caption ni Chiz, ang sabi ba naman, “Such an old pic babe!” Kaya tinawag na “ruiner” ang Kapuso actress.

Sinira raw kasi ni Heart ang mood ni Chiz by commenting na old picture nila ang ginamit nito.

Alice, binitbit ang anak sa lock-in taping

Totoo na raw ito, wala nang urungan na sa July 26 na ang world premiere ng family drama ng GMA 7 na Legal Wives. Dapat noong June 21, ang pilot nito, pero hindi natuloy dahil hindi natapos ang last leg ng taping dahil nagkaproblema.

Mali nga lang ang inakala ng Kapuso fans na kaya hindi natuloy ang world premiere noong June 21 dahil kinailangan pang ipapanood ng GMA 7 sa ilang Muslim at mga taga-Maranao na may mga katungkulan ang buong episode. Iba ang rason sa pagbabago ng airing schedule ng family drama.

Noong June 29 nagsimula ang last leg ng lock-in taping ng Legal Wives at sa July 12 ang last day ng taping. May enough time si director Zig Dulay at ang kanyang team para ayusin at mas pagandahin ang last part ng series na huling nakunan.

Samantala, tama ba kami na isinama ni Alice Dixson sa lock-in taping ng Legal Wives ang baby niyang si Aura? Sa isa niyang pinost na picture, makikita sa likod niya si baby Aura na inaalagaan ng yaya.

At least, hindi nahiwalay sa anak si Alice kahit siya’y nagtatrabaho.

Revirginized ni sharon, ipo-promote ang kalandian

May magre-react nito sa tagline ng official poster ng Viva Films movie ni Sharon Cuneta na Revirginized na “Nagmahal, Nasaktan, Lumandi... Naging “Virgin” Muli.”

May kasunod pang “ang PINAKAMATAPANG ng Sharon Cuneta sa PINAKAMAHALAGANG pelikula ni Darryl Yap. ReVirginized August 2021.”

Tapos ang photo pa ni Sharon ay ‘yung nakikita ang cleavage niya at may eksena siya sa movie na kita ang cleavage na hindi nagustuhan ng ibang netizens.

Sa August na ang streaming ng nabanggit na pelikula at kahit nasa Amerika pa rin si Sharon, maipu-promote pa rin niya ito. Nabanggit kasi nito na sa August, babalik sa New York ang anak na si Frankie Pangilinan para ipagpatuloy ang pag-aaral at pupuntahan niya ito sa New York.

Sa poster ng Revirginized, nabasa namin na kabilang sa cast si Albert Martinez. Ang actor siguro ang gaganap na ex-boyfriend ni Sharon at nang-iwan sa kanya, kaya ayun, naghanap ng ibang mamahalin.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with