_pang-masa
^
Xian, may serye na agad sa GMA?!
Xian

Xian, may serye na agad sa GMA?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

Si Xian Lim nga ba ang ipakikilang newest Kapuso ngayong araw?

Ayaw i-confirm ng ibang insider ng GMA, pero isang source ang nagbulong na pasok na sa bagong teleserye ng GMA ang karelasyon ni Kim Chiu.

Matagal nang wala sa Star Magic si Xian, hawak na siya ng Viva Artist Agency kaya hindi na naman siguro siya maiisyuhan na walang utang na loob.

Besides, matagal-tagal na rin naman siyang napapanood sa TV5, 1000 Heartbeats Pintig Pinoy ng Viva Entertainment. Last March ito nag-umpisa sa TV5.

Yam, noong 2018 pa na-engage!

Engaged na si Yam Concepcion sa long time boyfriend niyang si Miguel Cuunjieng. Nag-propose sa kanya ito last December 2018 pa nang magbakasyon sila sa Niseko, Japan.

Ito ang ishinare ng Init Sa Magdamag actress kahapon sa kanyang social media accounts. “A thousand cranes YES @mrcuu 12.31.18 11:59pm #747,” sabi nito sa post niya.

Sa New York na nag-celebrate ng birthday ang Kapamilya actress kung saan naka-base si Miguel.

Obviously ay magtatagal sa New York si Yam na ayon sa kanya ay “Work in progress… slowly building our home” na doon na nag-celebrate ng birthday last May.

Sinasabi ngang suwerte sa lovelife si Yam dahil kilalang sustainability consultant ng mga international financial player sa Amerika ang mapapangasawa. Graduate ng Philosophy in Environmental Studies at Santa Clara University, may Master of Business Administration din ito sa Georgetown University in Washington, DC.

At higit sa lahat, isa ito sa tatlong anak ng top investment banker at chairman ng Evercore Asia Limited na si Mr. Stephen Cuunjieng base sa profile ng kanilang family na nasa social media.

XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with