_pang-masa
^

Pang Movies

Sharon, kinaiinggitan!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Sharon, kinaiinggitan!
Sharon

Marami ang nagtataka at humahanga kay Megastar Sharon Cuneta. Imagine sa picture pa lang na magkasama sila ng bagets na kapareha na si Marco Gumabao sa pelikulang Revirginized, tinatanong na nila kung paano napapayag na gumanap ng ganun ka-daring si Mega? Hindi ba siya natatakot sa pandemonic attack na COVID? Dinidilaan pa ang young actor sa dibdib.

Subalit sa totoo lang, maraming mga matrona’t beki pala ang naiinggit kay Mega dahil nakadale ng bagets in spite of her age. Mga senior citizen na ang fans ni Mega kung kaya’t hindi maiiwasang mandiri sa eksena.

May komentong baka kaya nangibang bansa si Mega ay dahil ayaw mapanood ang movie at makarinig ng mga masasakit sa tengang comment.

Masuwerte naman itong si Marco dahil sa rami ng lalaking nakapareha ni Mega ay siya ang buong tapang na dinilaan sa dibdib ng premyadong aktres.

May mga tanong kung saan daw ba mapapanood ang Revirginized? Sa mga sinehan daw ba o sa digital platforms?

Balitang walang matapang na magbubukas ng sinehan na maaaring lusubin ng protocol experts. Wow, grabe.

Serye ni Coco, ‘di nauubusan ng problema

Pinipigilang tumawa ni Ara Mina noong kunan ang eksena nilang love scene ni Rowell Santiago sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.  Paano ba naman, gusto pala ng karakter ni Rowell na habang nagroromansa sila ay itali pa ni Ara ang kanyang mga kamay saka paliliguan ni Ara ng halik.

Inaamin ni Ara na sa rami ng sexy movies na nagawa niya noon, dito lang sa serye ni Coco Martin nakaranas ng kahalikang nakatali pa ang both hands ng aktor. Sounds weird, ‘di po ba?

Samantala, mukang hindi pa rin matutuldukan ang serye. Paano ay marami pa ring problemang dapat harapin si Coco.

Happy birthday…

Birthday greetings sa June-born celeb­rants na sina Ciara Sotto, Pasig Mayor Vico Sotto, Sen. John Osmeña, John Estrada at Mrs. Ellen Varilla Nays of San Francisco, California, USA.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with