_pang-masa
^

Pang Movies

Anne at Solenn, ginamit ang ­pangalan ng mga anak sa negosyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anne at Solenn, ginamit ang ­pangalan ng mga anak sa negosyo
Anne at Solenn

Inaabangan na ng followers nina Anne Curtis at Solenn Heussaff ang in-announce ng dalawa na within four days, ilu-launch na nila ang TiliDahli na ang nakalagay ay “Local Service.” Sunod sa pangalan ng anak nina Solenn at Nico Bolzico na si Tili at anak nina Anne at Erwan na si Dahlia ang pangalan ng kanilang ilu-launch.

May Instagram account na ang TiliDahli at nang i-check namin, toys at iba pang baby stuff ang aming nakita.

Sabi ni Solenn, “We have been cookin’ up something and so excited to share it with everyone.” Para malaman kung ano ang TiliDahli, abangan natin at three days from now, ilu-launch na nina Solenn at Anne.

Hindi na nami-miss ang anak...

Hindi na kailangan ng caption sa pinost na black and white photo ni John Lloyd Cruz sa Instagram habang nasa balikat niya ang anak na si Elias. Pinost ni John Lloyd ang larawan nila ng anak kahapon, Father’s Day at dahil hindi pa marunong gumamit ng cellphone ang bata, hindi niya na-greet ng Happy Father’s Day ang ama.

Ang followers na lang ni John Lloyd ang bumati sa kanya at nabasa namin ang mga pangalan nina Adrian Alandy, Cristine Reyes, Carla Abellana, Iza Calzado, Jerald Napoles, Ryzza Mae Dizon, at Dennis Trillo na nag-like ng kanyang post.

Naalala namin, sa isang IG Stories ni John Lloyd, nag-post siya ng kanyang larawan at ang caption ay miss na miss na niya ang anak na si Elias.

Ken, k-actor ang ginawang inspiration

Ang Korean series na Hyde Jekyll, Me starring Hyun Bin at pelikula ni James McAvoy na Split at documentaries ang ilang pinanood ni Ken Chan bilang paghahanda sa ginampanang role sa Ang Dalawang Ikaw na may Dissociative Identity Disorder (DID). So, mapapanood ba natin si Ken na ala-Hyun Bin sa series?

Ang docu series ay galing kina director Jorron Monroy at Jo Macasa and all in all, eight movies, series, at docu ang pinanood ni Ken. Mahirap kasi ang role ni Ken sa bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na magsisimula na ang airing this Monday, after Eat Bulaga. Kailangan ng masusing paghahanda, research at suporta sa kanya at para makatulong, isang psychiatrist ang kinuha ng GMA na maging consultant. Kasama rin sa cast ang psychiatrist bilang psychiatrist ng karakter ni Ken.

Ang ganda nga ng sagot ni direk Jorron sa tanong kung na-deliver nina Ken at Rita Daniela nang mahusay ang kanilang respective roles?

“Together they created something else, something new, maganda ang produkto namin. Ang naging process ng buong cast is to be collaborative at kung may kulang sa acting, sasabihin ko sa kanila. Kaya, lahat nang mapapanood sa series na ito, collab ng artist, director at ng situation,” sagot ni direk Jorron.

Piolo, may hinihintay pa para maging Kapuso

Tila isinusulong ni Piolo Pascual ang tatay niya sa showbiz na si Mr. Johnny Manahan dahil sa hashtag na kanyang ginamit sa Father’s Day message niya kay Mr. M. Sinulat ni Piolo ang #MrMforNationalArtist  at may emoji pa ng victory.

Sisimulan kaya ni Piolo ang pagsulong kay Mr. M para maging National Artist? Magandang alamin ang reaction ng mga taga-showbiz dito.

Anyway, magkatotoo kaya ang mga nasusulat na kapag nasa GMA Artist Center na sina Mr. M at Mariole Alberto, saka pa lang lilinaw ang usapin na paglipat diumano ni Piolo sa GMA Network.

Nasa Amerika pa yata si Piolo, binisita ang mom niya na nag-celebrate ng 75th birthday. Sa napanood naming video, nagulat ang mom ni Piolo nang makita siya sa may pintuan ng kanilang bahay at ayon naman kay Piolo, sinorpresa niya ang kanyang ina.

ANNE CURTIS SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with