^

Pang Movies

Nadine at Viva, hindi pa ­tapos ang laban!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nadine at Viva, hindi pa ­tapos ang laban!
Nadine

Hindi maliwanag ang istorya tungkol sa desisyon ng RTC sa kaso ni Nadine Lustre at ng Viva.

 Mukhang isa lang namang reporter ang gumawa ng report, at halata mong hindi isang court reporter.

Nagsulat ng tungkol sa isang desisyon, pero walang sinabi kung anong branch ng RTC iyon. ‘Yun pala, Branch 220 ni Judge Jose Paneda.

Kung babasahin mo ang kuwento, mali rin ang sinabing natalo si Nadine kahit inutusan siyang sundin ang kanyang kontrata sa Viva, dahil may pinalabas din namang kautusan na hindi pumayag ang korte sa kahilingan ng Viva na mai-garnish ang mga ari-arian ni Nadine pati na ang kanyang pera sa bangko.

Sa ganyang resolusyon, wala pa talagang desisyon ang korte, at ang sinasabi nila kailangan pa ng arbitration. Hindi nga maliwanag kung RTC o isang mediation court lamang iyon.

Natural kasi na pagharapin muna sila sa isang mediation court para maayos ang problema na hindi na aabot sa husgado talaga. Sa husgado kasi, bukod sa magastos, tambak na ang mga kaso sa husgado kaya matagal bago sila makapaglabas ng desisyon.

Sana ma-settle na lang nila ang problema. Ang isang nakikita naming solusyon diyan ay bayaran na lang ni Nadine sa Viva ang natitira pang bahagi ng kontrata niya. Kung ayaw niya ng ganoon, hahaba pa nga iyan sa husgado at habang dinidinig iyan, hindi siya makakatanggap ng trabaho.

Baklang pulitiko na may karelasyong hiwalay sa asawa, nagiging visible na

Medyo kinabahan din daw ang gay politician na may planong buhaying muli ang kanyang political career sa 2022. Binigyan siya ng warning ng ilang kakilala niya na mukhang sumisi­ngaw na ang kanyang relasyon sa isang may asawang male star.

Ang problema naman kasi, masyado silang visible at nakikita pa sila sa mga matataong lugar. Wala naman talagang nakikitang koneksiyon sa kanila kundi hiwalay nga sa asawa na male star, at malakas na nga ang tsismis na ang politician ay gay.

 

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with