_pang-masa
^

Mga K-oppa, mas nagiging papable sa military training

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 15, 2021 - 12:00am

‘Pag nakikita ko ang mga Korean Oppa na naka-military uniform, parang gusto ko ring makita ang local stars natin na nakasuot ng ganun.

Ang ganda-gandang makita ang mga lalaki na suot ang military uniform at parang macho talaga. Iba ang tindig, iba ang porma, at palagay ko, iba rin ang disiplina na itinuro sa kanila.

Baka kaya mas matindi ang discipline ng Korean stars dahil sa mandatory ang military trai­ning nila. Imagine mo na ganun kalihim ang lovelife nila. Ganun sila sumunod sa instructions sa kanila.

Sana may ganito ring training ang mga lalaki dito sa Pilipinas. Sana mandatory din ang magkaroon tayo ng training, para mas malakas ang disiplina, mas matibay ang buto, at mas matikas ang porma nila. Iyon talagang alam nila ang dapat sundin para tuluy-tuloy ang sikat ng career.

Ang sarap sigurong makita na military uniform ang suot nina Alden Ri­chards, Ruru Madrid, at ilang stars.

Sunday musical shows, hataw pa rin kahit may distancing

Hataw talaga ang Sunday musical shows. Kahit na nga walang audience dahil sa health restrictions, at pati nga ang dami ng tao sa program ay bilang na bilang, talagang sige, may dance numbers at medley songs pa rin, kaya maganda pa ring panoorin.

Feel na feel mo na talagang na-miss ng tao ang concerts dahil nga tutok sila sa Sunday live shows. Talagang kahit medyo kulang na ang dancers dahil nga sa distancing, hataw na hataw pa rin. Alam mo agad ang mga artista na naka-lock in dahil wala sa musical numbers. Kita mo na sa lock-in kinunan ang message ni Alden Richards. Refreshing pa rin na marami pang musical numbers kahit pa nga ingat na ingat na ang marami.

June na, siguro naman sa Christmas presentations may mga pagbabago na.

Talagang sobra na ang tagal ng pandemic, para bang ordinary na nating tinatanggap, para bang nakasanayan na. Huwag naman sana. 

KOREAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with