_pang-masa
^
Vice, nawalan ng bisyo dahil kay Ion

Vice, nawalan ng bisyo dahil kay Ion

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 15, 2021 - 12:00am

Tatlong taon na pala ang relasyon nina Vice Ganda and Ion Perez and till now, napakaganda pa rin daw ng kanilang relasyon. “Masaya kami ni Ion, masaya ako kay Ion, masaya ako sa relationship namin. Everyday, I say thank you to God na ‘ang bait Mo, binigyan Mo ako ng ganito,’” kuwento ni Vice sa panayam niya sa dating manager na si Ogie Diaz para sa YouTube vlog nito.

Kung wala raw si Ion sa tabi niya ngayon, napakamise­rable raw siguro at napakalungkot ng buhay niya. “Anong lungkot ko ngayon kung wala akong ganitong katuwang? Anong lungkot ko ngayon na walang hahagod ng likod ko ‘pag umiiyak ako. Gaano kamiserable ang buhay ko ‘pag buryong na buryong na ako tapos walang tititig sa akin para kumalma ako?

“Si Ion kasi, hindi masalita pero ‘pag tumingin siya sa akin, tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya ang buhay ko,” sey ni Vice.

Dahil daw kay Ion ay tinalikuran niya ang pagrampa niya gabi-gabi pati na ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. “Kasi, si Ion lang sapat na. Totoo ‘yon. Sapat na ako kay Ion. Na nagtatrabaho ako, nandiyan si Ion, nakikita ko siya. Okay na ‘ko do’n. Hindi na ako rarampa,” sey pa niya.

Kahit three years na sila ay wala raw silang sawa factor and lately nga raw ay poging-pogi siya sa dyowa. “Tinatawag ko siyang Pogi. Nanggigigil ako sa kanya kasi poging-pogi ako sa buhok niya. Nung nagpa-maigsi siyang buhok tapos may kulay, poging-pogi ako,” sey niya.

Sen. Bong, kumpirmadong hindi makikigulo sa 2022

Muli ay kinumpirma ni Sen. Bong Revilla na hindi siya tatakbo sa 2022 elections sa kanyang Facebook Live last Sunday.

Nauna nang ipinahayag ni Sen. Bong ang hindi niya pagtakbo last Saturday via FB live at inulit niya ito the following day.

Sa panibagong FB Live, nilinaw ni Sen. Bong na hindi siya tatakbo ngayong 2022 elections dahil hanggang 2025 pa ang kanyang termino bilang senador. “Ngayon, pahinga muna ako. Hindi tayo makikisali dito sa gulo ngayon,” he said.

Gayunpaman ay susuporta raw siya sa sinumang deserving na maging Presidente. “Tayo’y susuporta kung sino ang ating makita na siyang nararapat at karapat-dapat na maging Pangulo ng ating bansa. Doon tayo susuporta.

“Para sa bayan, isipin natin kung ano ang maganda. Kung sino ang makaka­tulong sa ating bansa, doon tayo lalagay,” pahayag pa ng Senador.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with