^

Pang Movies

Bianca, tinotodo ang pagsasayaw

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaya naman pala ganadong gumiling-giling sa TikTok videos niya si Bianca Umali dahil umabot na sa 1.2 million ang followers niya sa naturang video-sharing app.

Noong 2015 pa may account ang Legal Wives star sa TikTok pero na-hack daw ito. Noong mabalik ang account niya, hindi raw niya ito masyadong binigyan din ng panahon. Bumalik lang siya ulit sa TikTok noong maging fad na ito noong magkaroon ng pandemic last year.

Noong mag-post ulit siya ng video, pumatok ito kaya naging aktibo na siya ulit sa TikTok.

“It wasn’t really just a break. Honestly, I had no plans on getting back into it. I think the last time I was on TikTok was back in 2015-2016 pa.

“One day, I just thought of trying out one of the trending dance challenges because of all the free time I had being locked-in for work inside a hotel room.

“I never expected anything out of it, like positive reactions or overwhelming support. I did the video because I missed dancing. Tapos ayon! Ang saya na nakakapagpasaya ako ng mga tao at nakakasayaw na ako ulit.”

Sa pamamagitan daw ng pagsayaw naipapakita ni Bianca ang happiness niya at napapasaya niya ang followers niya.

“I love dancing so much and I’m happy that I now have a platform for it. Also, I like making people smile especially through the things that I love doing.”

Rita, maiinit na ang love scenes kay Ken

Haharapin ng Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela ang mas mature na roles sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

Gaganap sila bilang mag-asawa sa naturang serye. Kuwento ni Rita, mas lalo raw siyang bumilib sa husay ni Ken sa pagganap nito sa dalawang magkaibang characters.

“Akala ko noon, ultimate na ang husay ni Ken sa My Special Tatay. Hindi pa pala yon. Dito sa Ang Dalawang Ikaw, mas napabilib niya ako.

“May one scene na sobra akong kinilabutan kay Ken. Tinitigan ko mga mata niya, ramdam mo ‘yung character niya. Natakot talaga ako. Dun ko na nakita ulit ang husay niya sa pagbuo niya ng character.”

Bukod sa mga problema na haharapin ng kanilang relasyon sa kuwento, matatalakay din sa serye ang ilang mental health issues na tiyak na pupukaw sa interes ng Kapuso viewers.

At dahil mag-asawa ang RitKen love­team sa teleserye, abangan ang kanilang maiinit na love scenes. Inamin ni Rita na kahit close na sila ni Ken, nagkailangan sila sa first mature love scene nila sa teleserye.

Anak ni Brooke Shields nagpa-throwback ng kanyang gown!

Napa-throwback ang aktres na si Brooke Shields nang isuot ng kanyang 18-year old daughter na si Rowan Henchy ang 1998 Golden Globes gown niya sa prom nito kamakailan.

Post ni Brooke sa Instagram: “I thought it was a special night when I was nominated for a Golden Globe and wore this dress in 1998, but nothing could have prepared me to see my daughter wearing it to her prom. proud mama!”

Pinost din ni 56-year old actress ang photo na suot niya ang naturang red strapless gown sa red carpet ng 1998 Golden Globes kung saan nominated siya noong gabing iyon for the comedy series Suddenly Susan.

Si Rowan ay eldest daughter ni Brooke with husband Chris Henchy. They are also the parents of 15-year-old named Grier.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with