_pang-masa
^

Pang Movies

Coco, napapagkamalang may agimat

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Coco, napapagkamalang may agimat
Coco

Nakakapagod panoorin ang eksenang pagpapalitan ng barilan ng grupo ni Coco Martin at John Arcilla sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Grabeng pagpapalitan ng putok ng mga magkalabang grupo. Nakakapagod ang pagtakas nina Coco dahil hindi naman nila alam kung saan sila magtatago pero grabe ginagawang pagsubaybay ng mga manonood.

Nakakaawa ang sitwasyon nina Joel Torre, Shamaine Buencamino at Jaime Fabregas. Imagine, at their age, mga senior citizen na, napasabak pa sa ganung takbuhan sa gubat.

Mabuti at hindi sila inaatake sabi ng followers na nakapanood. Napuna rin nilang umiikot lang ang grupo sa gubat at sagingan.

Grabe rin ang blasting na libo ang halaga bawat pagsabog sa paghahabulang nagaganap.

May nagtatanong kung may agimat din ba si Coco Martin tulad ng Agimat ng Agila.

Hindi kasi siya tinatamaan ng baril at hindi nauubusan ng bala.

Revirginized ni Sharon, nakabitin pa

Mukhang nag-e-enjoy na ang mga tao sa panonood ng libreng sine sa TV at digital platforms. Naku, paano na ang mga sinehan? Mabubuksan pa ba?

Sayang naman ang movie ni superstar Nora Aunor. Kung kelan pa pumayag gumanap na kontrabida saka walang mahagilap na sinehang pagpapalabasan.

Sayang naman ang mga pelikulang nagawa na pero still hindi alam kung saan ipapalabas.

Maging ang movie ni Megastar Sharon Cuneta na Revirginized ay nakabitin pa rin ang playdate. Hindi na tuloy malaman kung tutulong pa si Mega para i-promote ito dahil sa Amerika na kuno ito titira.

Azenith gusto pa ring mag-showbiz

Hindi pa rin nagbabago ang beauty ni Azenith Briones. Matagal na siyang hindi napapanood dahil sa malaking pagbabagong nagaganap dulot ng COVID. Masaya si Azenith dahil kumpleto ang kanyang negosyo sa San Pablo City farm na para sa mga plantita. Nakakawala raw ng boredom at depression ang pag-aalaga ng mga halaman.

Dugtong pa ni Azenith, masaya siya dahil may apo na. Apat ang anak niya na pawang mga lalaki at walang problemang idinudulot ang mga anak niya. Nami-miss niya ang showbiz pero hindi pa rin naman niya alam kung paano pa siya makakabalik uli.

Na-depress si Azenith noong mamatay si Ricky Lo. Best friend niya si Ricky at hindi siya pinababayaan noon sa event na kasali siya.

Happy birthday…

Happy birthday Kap Enrico Ilyong Buenaventura of Barangay Subik Baliwag, Bulakan.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with