^

Pang Movies

John Lloyd, aminadong nagmana ang anak sa katigasan ng ulo nila ni Ellen!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John Lloyd, aminadong nagmana ang anak sa katigasan ng ulo nila ni Ellen!
John Lloyd at Elias

Tatlong taon pa lang ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto pero ayon sa aktor, ang namana raw nito sa magulang ay ang katigasan ng ulo.

Sa exclusive interview ni G3 San Diego kay Lloydie for Mega Entertainment released last Wednesday, tinanong niya ang aktor kung ano ang qualities niya na kanyang nakikita kay Elias.

“Ayokong makita sarili ko. Wala,” ang unang sagot ni Lloydie. Pero nang tanungin siya ulit, sagot ng aktor, “bibig, mata. Meron siyang ginagawa sa bibig niya, sa mata na kakabahan ka eh kasi? pero magbabago pa naman ‘yon. But he’s very stubborn like me and like the mother.”

Ibinahagi rin ni Lloydie ang mga ginagawa nila ng anak kapag magkasama sila.

“We like to get lazy, especially at night, ‘yung winding down na and time for bed. I like those moments, ‘yung talagang galing kami sa buong araw na, very active kasi ‘yung bata eh, and madalas struggle. He’s about to turn three. Very active siya so madalas hindi na siya nakakapag-nap in the afternoon. So pagka ganun, at you see him winding down at night, pipikit-pikit ‘yung mata niya nilalabanan niya. ‘Yun yung gustung-gusto ko na parang alam mo na napagod siya today so it’s a good day“ he said.

Hindi rin daw siya ang tipo na mahilig mag-splurge ng regalo sa anak at mas gusto niyang naglalaro ito even without real toys.

“So, I like that moment ‘pag makikita mo siya, like nasa garden lang kami and he sees a stone and he pretends na it’s something else like a cave or a fish. Parang ‘pag nakikita ko ‘yung mga ganung moments parang napa-proud ako. And pinaka-proud ako hearing him say ‘please’ and ‘thank you.’

“’Yun lang naman ‘yung parang munting pangarap ko nung pinanganak siya na sana matuto siya mag ‘please’ at ‘thank you,’” ani Lloydie.

Kara, sinusubaybayan ang OML

“Nakaka-flatter naman na si Ms. Kara David pa (ang isa sa mga nanonood sa amin.) It’s really nice. It makes us feel very happy? Just hearing good words is something that makes us feel more inspired and (hopeful that) someday we get to work together soon,” ito ang saad ni Lovi Poe nang malaman niyang hooked na hooked ang nasabing veteran broadcast journalist sa GMA Public Affairs series na Owe My Love.

Sa isang interview with GMANetwork.com, inamin ni Kara na tinitigil niya ang kanyang ginagawa at bawal na siyang gambalain pagdating ng 9:35 dahil mano­nood na siya ng romantic-comedy series.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with