^

Pang Movies

Sharon nagsalita sa isyung pambubugbog ni Sen. Kiko

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon nagsalita sa isyung pambubugbog ni Sen. Kiko
Kiko at Sharon

Sa kanyang Instagram Live nitong nakaraang Biyernes (May 28) ng hapon ay sinagot ni Sharon Cuneta ang mga isyung naglalabasan habang wala siya at nasa Amerika. Kasabay nito ay ipinagtapat din niya ang dinaanang depresyon bago siya tumulak pa-US nitong May 11.

Una munang nilinaw ni Megastar ay ang tsismis na binubugbog siya ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan at ito umano ang dahilan kaya siya umalis ng bansa. Ka-join nga rin niya sa nasabing IG Live ang mister at natatawa na lang sila pareho sa mga fake news na lumabas.

Ayon kay Shawie, ni minsan ay hindi dumapo sa kanya ang kahit daliri man lang ng asawa. At never daw talagang magagawa ni Kiko na saktan siya.

Pangalawang tsismis, kaya raw siya binugbog ni Kiko ay dahil may boyfriend siyang mas bata sa kanya. Again, tinawanan lang ito ng mag-asawa.

At pangatlo, buntis daw siya sa batang boyfriend kaya sinaktan siya ni Kiko.

Of course, wala rin itong katotohanan kaya tawa rin sila nang tawa. Sey nga ni Shawie, “nakalimutan nila, hindi na ako 30s. I’m sorry, kahit cute ako, 55 na po ako.”

Pagkatapos nito ay ibinahagi na nga ni Sharon ang totoong nangyari sa kanya kamakailan na labis niyang iniyakan at ikina-depress.

Ayon kay Shawie ay may dumating daw na Holywood film project sa kanya na labis niyang ikinatuwa at ikina-excite. The film will be produced by Steven Spielberg at sobrang honored siya because first ever Holywood film niya ito at first all-Filipino cast pa na ang lead star ay si Jo Koy.

Plantsado na ang lahat at lilipad na nga sana siya sa US, then Canada kung saan ang shooting, at siyempre bago umalis ay kinailangan niyang magpa-swab test.

Laking gulat niya nang mag-positibo siya sa COVID-19 sa laboratory na nagtest sa kanya at ayaw na niyang banggitin kung anon’g lab ito. The result  came out a day before her scheduled departure kaya naturally, hindi na siya pwedeng umalis.

“It was heart-wrenching and heart-breaking for me. I literally. . .nanlambot ako na para akong natunaw,” she said.

Pagkatapos daw nito ay nagpa-swab test siya ulit  at umabot sa 7 laboratories ang nag-test sa kanya kasama na ang mula sa ABS-CBN.

“All the 7 different labs tested me negative,” ani Sharon.

“So, hindi ba naman heartbreaking ‘yun? That’s why, I was depressed.”

Kaya nga raw, hanggang ngayon ay hindi pa niya mapatawad ang first lab na nag-test sa kanya na positibo siya at naging dahilan para mawala sa kanya ang first Holywood project.

“Syempre, hindi ko mabibili ang oportunidad, hindi mababalik sa akin dahil lang sa isang pagkakamali sa COVID test. Kasi 7 labs against 1, siguro naman tama ‘yung pito at hindi ‘yung isa at hindi naman ako nagkasakit talaga,” sey ni Mega.

Ngayon ay okay na raw siya kaya naman naibabahagi na raw niya ang totoong nangyari.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with