_pang-masa
^
AiAi, sakto kay Willie!
Willie at AiAi

AiAi, sakto kay Willie!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

Bagay si AiAi de las Alas sa programa ni Willie Revillame.

Click iyon mga joke nila at partnership nila. Dahil matagal nang friends ang dalawa palagay ko hindi sila magkaka-pikunan sa trabaho.

Sanay na si AiAi sa mga sumpong ni Willie, at sanay na rin si Willie sa mga arte ni AiAi.

Maganda ang batuhan nila ng mga joke, swak na swak.

Sana nga kunin na ni Willie si AiAi para hindi na siya masyadong pagod sa hosting ng Wowowin. At dapat talaga may kabatuhan na siya sa mga joke niya para mas matindi ang dating.

Gusto nga pala namin mag-thank you kay Willie dahil sa pagiging sponsor nila ni Cong. Nina Taduran ng 2nd Showbiz Pantry para sa mga press people.

Totoo ang pagtulong nila sa mga kapatid sa panulat kaya naman very grateful kaming lahat.

At speaking of 2nd Showbiz Pantry, excited ako kasi nga medyo mas marami ngayon ang mga showbiz writer na puwede natin bigyan saka talagang na-appreciate ko iyon ang dami talagang nag-aalok mag-sponsor at tuwang-tuwa sa resulta ng una natin showbiz pantry, Salve.

Sila Bong Revilla, Alfred at PM Vargas at ang very charitable na si Rhea Tan ng Beautederm ang nag-donate ng una natin small biyaya para sa mga kaibigang press. Ngayon naman , in full support at nag-alok sila Willie at Cong. Nina.

Talagang nakakataba ng puso dahil tuwang-tuwa sila Wiilie at Cong. Nina na magbigay ligaya sa atin mga showbiz writer.

Iyon mga ganitong panahon natin talaga nakikita iyon mga tao sa showbiz na tunay na nagmamahal sa atin, iyon alam natin na alam nila ang hirap ng sitwasyon ngayon kaya heto at talagang sila na ang kusang nagpapahatid tulong.

AIAI DE LAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with