_pang-masa
^
âDi natakot sa virus? Moira nakipag-sing along, mikropono pinagpasa-pasahan!
Moira

‘Di natakot sa virus? Moira nakipag-sing along, mikropono pinagpasa-pasahan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

Parang wala ring nangyari sa pagiging extra careful ni Moira dela Torre sa isa niyang gig na para makaiwas sa COVID-19 virus, naglagay ng movable plastic shield sa kanyang harapan. Para nga namang iwas sa aerosol na tatalsik kapag naki-sing-along ang kanyang audience.

Kaya lang, inabot ni Moira ang mike sa audience at pinakanta ang audience na kumanta naman. Ang mike na ‘yun ay gamit ni Moira na siyempre, nabugahan ng kanyang laway at hininga, ibinigay sa audience na nagbunga rin ng laway at hininga nang kumanta. Balik kay Moira ang mike at tuloy ang kanyang pagkanta.

So, ano nga naman ang silbi ng movable plastic shield kung si Moira mismo ang lumapit sa audience at dahil kumakanta, walang face mask. Wala ring face mask ang audience na naki-sing a-long.

Ang paliwanag ng audience na nakikanta, private island ang lugar at dumaan sa swab test ang mga dumalo sa event na hindi karamihan. May mga suot ding mask ang mga dumalo ang nag-observe ng social distancing.

Giit ng netizens, useless pa rin ang sobrang pag-iingat ni Moira dahil sa ginawang sing-a-long portion na iisang mike lang ang gamit.

Karen, may nilinaw tungkol sa tinola

May reaction si Karen Davila sa isyung lilipat o babalik siya sa GMA 7 dahil sumali sa pa-survey ng GMA Public Affairs kung ano ang mas dapat ilagay o ihalo sa tinolang manok.

Dahil sa sagot ni Karen na “sayote,” may mga nag-akalang lilipat na siya sa GMA Network at iiwan ang ABS-CBN. Kaya, may sagot si Karen sa mga nag-iisip nito : “Hello guys! Some people have been messaging me asking kung lilipat ako because I answered this survey. Sinagot ko lang kasi mahilig ako sa tinola! I am a Kapamilya and will stand by the company through its hardest time. Praying for better days  ahead for all of us.”

Ayan naman pala, favorite lang ni Karen ang tinola. Dala lang siguro sa bored na ang netizens, kaya lahat ng bagay, napapansin.

Heart, hinihintay na tuparin ang pangako sa vlog

Masaya para kay Heart Evangelista ang kanyang supporters nang makita ang pinost niyang larawan na nagtatawanan ang mom niya at ang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero. Masaya ang mga nagmamahal kay Heart dahil tanggap na ng kanyang mom ang kanyang asawa.

Maaalalang hindi pabor kay Chiz ang parents ni Heart, lalo na ang kanyang mommy at rason ‘yun para hindi dumalo sa kasal nina Heart at Chiz ang kanyang mga magulang. Pero, tingnan n’yo ang nangyari, bati na ang mom ni Heart at si Chiz pati na ang dad ni Heart at mister nitong pulitiko.

Hindi nga ba’t nagpapagawa pa ng bahay sa Sorsogon ang dad ni Heart at aliw ang sinabi nitong never naman siyang nagalit kay Chiz at hindi niya ito inaway.

Anyway, naiinip na ang fans ni Heart na magsimula ang lock-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon.

COVID-19 MOIRA DELA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with