_pang-masa
^
Beautederm, pinahalagahan ang mga nanay
Rhea Tan

Beautederm, pinahalagahan ang mga nanay

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

Sobra sigurong mahal ni Rhea Tan ng Beautederm ang mother niya.

Grabe ang mga ipinamigay niyang gifts noong Mother’s Day. Merong pasadyang cake, massage chair, mini lamp and electric fan, na mga bagong product ng Beautederm. Sobra-sobrang pag-alala sa araw ng mga nanay, na para bang gusto niya lahat ng babae sa mundo maging mother niya.

Sabi ko nga, baka dahil sa lahat nang makita ni Rhea Tan ng Beautederm, binibili niya para sa mother niya kaya sobrang bukas-palad siya sa pagbibigay ng regalo. ‘Yung massage chair, alam mong napakamahal at malaking bagay para ma-relax ka kahit saan.

‘Yung mini lamp na puwede mong dalhin kahit saan para magamit sa dilim, bongga rin ang pres­yo, pero dinagdagan niya pa ng mini fan at products ng Beautederm, hindi ba talagang feel mo na ngayong pandemic naging napakaganda ng business returns ng Beautederm para maging ganito ka-generous si Rhea Tan. ‘Yung cake lang na pasadya, ok nang gift, pero hindi siya kuntento. Talagang gusto niyang maging memorable ang araw ng mga nanay para sa lahat.

Bongga ka talaga, Rhea Tan, tunay na number one nga ang Beautederm.

Mga taong toxic, dapat iwasan 

Sa buhay natin, talagang merong bagay na toxic at tao na nakakabigat sa balikat.

Merong tao na isinilang na whining at complaining talaga. Meron ‘yung who suffer in silence at talagang totoo ang pag-empathize sa iyo. Meron ‘yung akala mo may listening ears at ready ang mga balikat para iyakan mo, but in the end they take advantage of your weakness against you.

So, dapat talaga meron kang shield para hindi ka totally masaktan, at meron kang panlaban sa mga vicious attack na gagawin niya sa iyo. Always naman, this kind of people nagse-self destruct. Sila rin ang hindi makatiis sa toxic na ginagawa niya at nagiging dahilan para siya mismo ang maging reluctant na makipag-mingle sa iba, kasi nga hindi niya matiis na makita how people around him are happy and seem contented sa life nila.

Hindi niya matanggap na para bang unaffected ang mga tao sa ginagawa niyang destructive attack sa iba. Pathetic, dahil in the end he will lose his friends and people who think that he is not only a complaining one, kundi talaga he doesn’t see good in others.

 Toxic people are destructive, vicious, kaya dapat nilalayuan, nakakatakot na nasa tabi mo sila. They start their day in whining, and end their day seeing the bad side of life. Be careful. Stay away from them.

RHEA TAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with