_pang-masa
^
Ricky, hindi mukhang 75

Ricky, hindi mukhang 75

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 8, 2021 - 12:00am

I remember nang una akong ma-addict sa mga Korean Oppa. Iritable si Ricky Lo tuwing nagkukuwento ako na parang kinikilig tungkol sa mga Korean Oppa.

Hanggang nag-meet and greet si Kim Soo Hyun ng Love from the Stars na una kong crush. Nasa Okada Hotel ang presscon at Sony ang sponsor.

Habang naghihintay tayo, Salve, sa pagdating ni Kim Soo Hyun, dumating si Ricky Lo at ang pamangkin na si Kimberly. Walang nagawa si Ricky dahil fan din pala si Kimberly ng mga Korean at heto siya, cha­perone ng pamangkin niya. Natatawa ako dahil kitang-kita ko na parang nahihiya siya habang tili kami nang tili ni Kimberly. Patunay kung gaano kamahal ni Ricky ang kanyang mga pamangkin.

Sure ako na kung hindi dahil kay Kimberly, hindi niya gagawin ‘yung pagbabantay doon, at marinig ang aming mga tili.

Mula noon, tuwing meron siyang narinig na Korean stars na darating for interview, lagi na niyang sinasabi sa akin, eh kadalasan hindi ko naman type ‘yung dumarating.

Siguro kaya young looking at feeling happy go lucky si Ricky dahil na rin sa closeness niya sa kanyang younger relatives.

Lahat shocked na 75 na siya with his looks at how he moves.

Kung kilala ko si Ricky, happy na happy siya sa comments na mukha siyang batang-bata. Isa iyon sa pinaka-natutuwa siya, ‘pag sinasabing mukha siyang very young.

We really miss you so much, talagang ang lakas ng dating mo Ricardo Fua Lo. Bongga ka. 

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with