_pang-masa
^

Mayor Goma, maraming apo ang hinihintay kay juliana

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

Kung sinasabi nga ng iba na parang mas maluwag si Congresswoman Lucy Torres Gomez sa kanilang anak na si Juliana, mukhang mas mahigpit nga si Mayor Goma.

Si Congresswoman Lucy ang sinasabi lang sa anak ay kailangang magdasal at hingin sa Diyos na makatagpo siya ng isang matapat at responsableng partner pagdating ng araw.

Siguro kaya naman’yun ang sinasabi ni  Congresswoman Lucy kasi ganoon ang kanyang ginawa.

Pero si Mayor Goma, mukhang mas mahigpit talaga. Kahit na gaano siya ka-busy, nagche-check siya kung nasaan ang kanyang anak, kung anong oras iyon umalis at kung anong oras umuwi.

Hindi man siya diretsahang tumututol kung may manliligaw man sa kanyang anak, pero mukhang iniimbestigahan nga iyon nang husto ni mayor.

Ang biruan nga, kasi playboy noong araw si Mayor kaya maingat siya sa kanyang anak. “Hindi ko naman maiiwasan iyon. Sooner or later may manliligaw diyan, makakapag-asawa rin iyan at kung matino naman ang manliligaw sa kanya walang problema sa akin. May sarili siyang buhay, hindi ko naman masasabing talagang magkakasama kami habang panahon. Papaano ang buhay niya kung wala na kami? Kailangan may mga kasama rin siya. Magkakaroon din naman ng mga anak ‘yan, at hindi ko maikakaila gusto ko rin namang magkaroon ng mga apo. Gusto ko nga maraming maging apo dahil ako, iisa lang ang naging anak ko.

“Ang gusto ko lang naman, matino ang makakasama niya at mapangalagaan siya the way na inalagaan namin siya. Iyong sinasabi naman ng iba na paghihigpit ko dapat lang gawin ko iyon lalo na sa panahong ito. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa anak ko pero delikado ngayon  ang COVID. Aywan kung ano ang mararamdaman ko kung ang anak ko mahahawa ng COVID, kaya ingat na ingat ako sa kanya,” pagkukuwento ni Mayor Goma.

Talaga raw si mayor, dahil lagi nga siyang nasa Ormoc, panay ang check niya kung ang anak niya ay nasa Manila, “lalo na ngayong mataas ang infection rate diyan,” katuwiran pa niya.

Paumanhin sa INC...

Sa pagkakataon pong ito, nais kong personal na humingi ng paumanhin sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Ito ay may kaugnayan sa maling pagkagamit at pagkabanggit sa INC sa aking kolum dito sa Pang Masa na lumabas noong Marso 19, 2021 sa isyu ng same sex marriage.

Mataas po ang respeto ko sa INC at hindi sinasadya ang nangyari. Hindi ko rin po nais na saktan ang damdamin lalo na ng mga kaanib dahil sa maling pagkalat­hala.

Sana po matanggap po ninyo ang taos-puso kong paumanhin at umasang ang ganitong pagkakamali ay hindi na mauulit.

Derrick, pinagnanasaan din ng gay star

Mukhang nasapawan na nga ni Derrick Monasterio ang ibang male stars na nagbibilad ng kanilang abs nang lumabas ang pictures niya sa endorsement para sa isang brand ng undergarments, kahit na wala pa siyang ginagawang projects sa ngayon.

Ang sinasabi ng “mahihilig na fans,” wala na raw iyong iba dahil ang hinihintay nila ay si Derrick.

Kaya nga siguro matabang din ang pagtanggap nila sa isang baguhang leading man na wala ring ipinagmamalaki kundi ang kanyang paghububad. Maski nga si Jak Roberto na kung tawagin nila ay “pambansang abs” at lagi ring hubad kung lumalabas sa telebisyon, mukhang umurong at nasapawan. Ang advantage nga kasi ni Derrick, talagang maganda ang katawan at panlaban din ang mukha.
Crush nga iyan ngayon ng isang gay star na itinatanong sa akin ni Tita Salve. Maraming pictures si Derrick na naka-save sa kanyang cellphone.
Nangangarap din eh.

Mga naiwang ka­gamitan ng namatay na personalidad, sinaid ng ex-GF

Nakakalungkot ang narinig na­ming balita tungkol sa isang yumaong personality. Matagal na naman daw iyong hiwalay na namatay na perso­nalidad, pero ipinahakot ng dati niyang girlfriend ang lahat ng kasangkapan sa kanyang bahay at ipinadala lahat sa bahay niya. “Noong dumating ang anak, wala na siyang inabot na ano mang gamit sa bahay nila. Noong malaman niya na hinakot iyon ng dating girlfriend ng tatay niya, nagbanta iyong magdedemanda raw,” sabi ng aming source.

Natakot ang mga istambay sa lugar na binayaran daw noong babae ng isang libo bawat isa para hakutin ang lahat ng kasangkapan sa bahay ng kilalang personalidad na namatay at ilipat nga sa bahay niya. Tiyak sabit sila dahil sila ang pumasok sa bahay nang walang pahintulot at naghakot ng mga gamit.

Wala raw talagang naiwan kundi isang tabong plastic sa banyo. Pati gamit sa kusina hinakot na lahat ng ex ng namayapang personalidad.

LUCY TORRES GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with