ABS-CBN shutdown, naka-isang taon na

Unang taon ng kanselasyon ng franchise ng ABS-CBN kahapon, Mayo 5.

Trending sa Twittter ang hashtag na #IbalikAngABS-CBN.

Inalala ni Ruffa Gutierrez ang sentimiyento niya sa araw na ‘yon na ibinalik niya sa kanyang Twitter.

Heartbroken siya sa tweet at sinabi pang, “Stay strong @ huwag tayong mawalan ng pag-asa,” tweet noon ni Ruffa.

May tapang naman ang tweet ng broadcast journalist na si Karen Davila.

“May 5, 2020. The day ABS-CBN went dark. We shall not forget. Keep on fighting,” tweet ni Karen.

Umabot naman sa halos 18K ang gumamit ng hashtag kaya nag-trending ito.

Rabiya, may hiniram kay Pia

Baun-baon bilang lucky charm ng ating Miss Universe candidate Rabiya Mateo ang umano’y masuwerteng hikaw ng 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang laban sa pageant.

Ang Miss Universe na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood Florida, USA sa May 16. “There is a funny story kasi parang may hula nasabi na, if you real­ly want to win, dapat nanghingi o nanghiram ka ng gamit from the former Miss Universe winners,” rason ni Rabiya sa gmanetwork.com.

Kuwento pa niya, nag-message siya kay Pia para humiram ng gamit niya at ‘yung ginamit na earrings sa pinanalunang pageant ang ipinahiram. “So iyon ‘yung parang agimat na dala ko sa ngayon,” pagbibisto ni Rabiya.

Malay natin, ang lucky charm ni Pia eh maipasa kay Rabiya, huh!

Show comments