Restaurant ni Dimples sa Singapore, dinadagsa ng mga pinoy

Dimples

Wow, may restaurant na pala sa Singapore si Dimples Romana.

Sa kanyang Instagram post ay nagpasalamat ito sa mga nagta-tag sa kanya ng photos and videos ng kanilang pagbisita sa nasabing restaurant. “Alegria Singapore. 18 Teck Lim Road the past week has been a blast as our Team Alegria in Singapore has been experienced and enjoyed by locals and our fellow Filipinos - the food, the ambiance, the drinks. A BIG THANK you to everyone who keeps sending us and tagging us their photos, videos of their food and dining experience you guys are the best!!! We are OPEN from Tuesdays to Saturdays.”

Nauna na niyang ipinost na non-traditional Latin American flavors ang ino-offer sa nasabing resto.

Ang galing ding humawak ng pera ni Dimples ha.

Imagine, habang ang ibang kaedad niyang artista, struggling sa kasalukuyan dahil sa kawalan ng maraming raket o trabaho, heto siya at nagbukas pa ng resto at sa Singapore pa na hindi na masyadong ramdam ang atake ng COVID-19.

Ara at Dave, nag-pre-nup na

Oww, ang ganda ng pre-nup pictorial nina Ara Mina and Dave Almarinez.

Obviously, walang urungan ang kasal nila.

Naisyu kamakailan na diumano’y may chance na ‘di matuloy ang kasalan dahil sabi pa ay may naghahabol sa groom to be.

But obviously, walang problema. Pero wala silang binigay na petsa.

Congrats.

Show comments