^
Derek, handang tumira sa Cebu
Derek

Derek, handang tumira sa Cebu

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

Willing si Derek Ramsay na tumira sa Cebu kung sakaling gugustuhin ito ng fiancee niyang si Ellen Adarna.

Ito ang sinagot ng aktor sa kanyang pa-Q&A sa Instagram nang may magtanong ng “what if Ellen wants to live in Cebu will u go with her?”

As we all know, taga-Cebu si Ellen at ang kanyang pamilya at doon siya naka-stay most of the time. “Of course, I like Cebu, I love Cebu. I was going to live in Cebu way back. Yeah, I thought to live in Cebu,” ani Derek.

Natanong din sa kanya kung nagdalawang-isip ba siya na mag-propose kay Ellen at sabi ni Derek, “no, 44 years, I’ve been waiting for this day, to find the right person, so when she popped up, I knew she was the one. I was 100% sure.”

Ang isang netizen naman ay pina-rate sa kanya ang happiness niya from 1-10 at sagot ni Derek ay 20.

Nang matanong naman kung paano niya mina-manage si Ellen kapag wala ito sa mood, Derek answered, “when Ellen is not in the mood, you just gotta give her own space, let her breathe, let her come back to Ellen 1 and then, we can talk.”

Nakakatuwa na nasa tabi niya si Ellen at sabay silang nagpapa-Q&A sa kani-kanilang IG.

Sarah kumikita na sa pagbi-bake

Sinimulan na pala ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang online selling ng baked goodies na ginagawa ni Popstar.

Ipinost ni Matteo sa kanyang IG Story last Sunday ang una nilang benta sa pamamagitan ng short video.

Makikita sa video na inilalabas ni Matteo ang pera mula sa isang envelope. Sey niya, “our first sales from our cupcakes! Yoohoo!” Maririnig din ang boses ni Sarah na sumisigaw ng “Yoohoo!” Sey ni Matt, “how much, how much baby?” habang ipinapakita ang P200.

Sagot naman ni Sarah, “2 thousand!” sabay-tawa. Kinorek naman ito ni Matteo at aniya, “200!” Natatawang sabi ni Sarah, “ginawang 2,000 eh, no?”

Noon pa ay plano na talaga ng mag-asawa na magbukas ng online selling ng cakes ni Sarah G. Matatandaang malimit i-post ni Matteo ang mga ibine-bake ng misis na aniya ay nakakasira raw ng ulo sa sobrang sarap. Lahat ng bine-bake ni Popstar ay puring-puri ng supportive na mister.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with