_pang-masa
^
Helen, hindi nakakalimot
Helen

Helen, hindi nakakalimot

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 14, 2021 - 12:00am

Ang bait ni Helen Gamboa-Sotto. Alam mo ba na ‘yung close friends niyang showbiz writers na kahit hindi niya regular na nakikita, talagang hinahanap niya para matulungan nitong pandemic.

Noon pa naman talagang sweet na si Helen, pero mas naging mas sweet siya nang maging Mrs. Tito Sotto. Si Helen ang perfect example ng isang celebrity na mas pinili ang married life kaysa career dahil tinalikuran niya ang showbiz para sa pamilya nila ni Sen Tito Sotto. Naging regular housewife siya na kilalang-kilala sa masasarap na lutuin, at talagang hands on sa pag-aalaga ng mga anak niya.

Nakakatuwa nga na madalas mo na siyang nakikita ngayon, dahil ‘pag gusto niya ang isang project , tinatanggap niya. Meron din siyang cooking show na talagang bagay sa kanya dahil ito ang kanyang expertise.

Tunay na may puso para sa mga nakasama niya sa trabaho kaya naman ugali na niya na i-check ang kalagayan ng mga ito at tulungan kung sakali.

TIPMMG, nagbalik na

At last meron na uling show ang Take It… Per Minute Me Ganun kahapon kaya happy uli ang followers natin tuwing 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON na sister publication ng Pang-Masa.

Na-miss ko talaga ang show dahil iyon lang ang araw na lumalabas ako at napi-feel ko ang normalcy kahit isang oras man lang habang may pandemic.

Kasi nga, hindi na ‘yung cabin fever ang nararam­daman mo, anxiety na dahil hindi mo na nakikita ang hitsura ng labas ng bahay mo. Sira na ang body clock mo, disoriented ka na sa oras. Okey lang sana kung parang hindi na sobra ‘yung ECQ o enhanced community quarantine natin, mula pa last year, medyo ingat ka na sa paglabas mo.

Double watching na ako sa mga pinapanood ko, dumating na ako sa punto na feeling ko ako na ‘yung leading lady ng bida, hah hah, kaloka na ang mga ilusyon ko. Kaya kahit once a week lang na paglabas, okey na sa akin. Saka kami pa ngang seniors ang mas marunong mag-ingat dahil kami ang mas alam ang responsibilidad namin.

HELEN GAMBOA-SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with