_pang-masa
^
Akting ni Lotlot, kinumpara kay Nora
Lotlot

Akting ni Lotlot, kinumpara kay Nora

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - April 13, 2021 - 12:00am

Mara­ming humanga sa ipinakikitang acting ni Lotlot de Leon sa dramang isinadula ng isang kawawang overseas Filipino workers o OFW na pinarusahan sa maka-hayop na paraan ng isang Jordanian couple na pinagtrabahuhan. Mukhang kawawa si Lotlot na tila dinibdib nito ang pag-arte tulad ng inang si Superstar Nora Aunor.

Manang mana si Lotlot kay Guy pagdating sa pag-arte. Nailarawang mabuti ni Lotlot ang papel na ginanapan sa prog­ramang Isumbong Mo Kay Tulfo.

Hindi rin nagpahuli sa acting si Teresa Loyzaga na mistulang sinaniban siya ng demonyo sa pagmamalupit kay Lotlot.

Sa totoo lang, nakakaawa naman ang mga kapwa Pilipinong pinagmamalupitan sa ibang bansa. Dito sa Pilipinas, kahit tag-gutom dulot ng COVID, walang kalupitang nagaganap tulad ng nangyari sa ginagampanan ni Lotlot.

May mga nagtatanong nga pala kung umaarte lang ba si Teresa o totoong ganito siya ka-brutal sa kapwa na tila makatotohanan ang naging pagganap nito. Pero knowing Teresa, mabait at malambing siya.

Rita at Paulo, ‘di nagkailangan

Kahanga-hanga ang baguhang aktor na si Paulo Angeles. Walang takot itong umarte habang kaeksena si Rita Avila sa drama anthology ni Charo Santos na Maalaala Mo Kaya. Sixteen years ang agwat ng edad nila ni Rita.

Diretsahang sinabi ng aktor na mahal niya ang aktres nang ‘di iniisip ang agwat ng edad nila. Walang kuwentang lalaki naman ang unang napangasawa ni Rita sa kuwento na ginanapan ni William Lorenzo. Pakiramdam ng aktres ay nasayang ang kabataan niya at kaligayahan sa piling ng buktot na asawa.

Samantala, hindi na nagkailangan sina Rita at Paulo dahil nagkasama na sila sa seryeng Araw at Gabi.

LOTLOT DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with