^

Pang Movies

Anxiety nagpapalala sa COVID!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ayaw naming magsabi na mali ang ating atake laban sa COVID-19, pero kaya maraming nabuburyong kasi wala kang maririnig kundi maaari kang mamatay anytime. Halimbawa na nga ang singer na si Claire dela Fuente, sinasabing ayos naman siya kahit na may COVID eh, pero nagkaroon siya ng anxiety attacks, natakot siya kaya inatake sa puso na siya niyang ikinamatay.

Maraming iba pang namamatay dahil nawalan sila ng pag-asa. Ang natanim sa isip nila dahil sa mga naririnig nila mula umaga hanggang gabi, basta na-COVID sila, katapusan na.

Hindi naman ganoon eh. Ang dapat nilang marinig na kuwento iyong magbibigay sa kanila ng pag-asa.

Maganda ang kuwento ni Dennis Padilla. Nakita niyang mahuhusay ang mga doctor na tumulong sa kanya at napagaling siya nang lubusan.

Si Cherry Pie Picache, na-COVID din at gumaling naman. Si Allan K, na napasok pa sa ICU pero gumaling din, kagaya rin ni Wally Bayola. Si Michael V., nag-home quarantine lang para hindi na mahawa ang kanyang pamilya, nag-survive.

Natatandaan namin, nagsisimula pa lang ang COVID noong madale si Boyet de Leon. Walang gamot, walang bakuna at hindi pa alam ang gagawin. Pero mahusay ang mga doctor na noon ay pinag-aaralan pa lamang ang bagong sakit. Makalipas lamang ang ilang araw, iyong isang kaibigan naming doctor nagkuwento na nagpapagaling na raw si Boyet  at siguro nga mga ilang araw na lang makakalabas na siya sa ospital.

Kung pag-aaralan ang statistics, mahigit lamang sa one percent ang namamatay sa COVID at ang mas marami ay gumagaling sa awa ng Diyos.

Basta sundin ang lahat ng protocols. Sabi nga ng isang kaibigan din naming doktor, “basta naka-face mask ka, may face shield, at may distansiya sa ibang tao, talo mo pa iyong nabakunahan.”

Hindi natin maaasahan ang bakuna eh. Lahat iyan eksperimento pa lamang at ang bakuna sa Pilipinas, wala pa sa one percent ng kailangan natin. Kaya huwag tayong umasa sa wala. Doon tayo sa may pag-asa tayo.

Mag-ingat  at kahit na binabawalan tayong magpunta sa simbahan ay mana­langin tayo. May awa pa rin sa atin ang Diyos.

At huwag makikinig sa mga negatibong sinasabi nila tungkol sa sitwasyon natin.

Dalawang haligi ng peryodismo, magkasunod na pumanaw

Magkasunod na araw na yumao ang dalawang itinutu­ring na haligi ng peryodismo sa bansa, sina Jun Icban ng Manila Bulletin, at si Nestor Torre, na kinikilalang manunulat, TV host at director pa ng pelikula.

Sinalubong ng lungkot ng industriya ang balitang iyan, lalo na nga at kinikilalang matitinong tao iyong mga nawala.

Si Jun Icban ay naging isa ring mahusay na miyembro ng gabinete bilang press secretary noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Dati rin siyang pangulo ng National Press Club.

Iyang mga ganyang tao, na maraming nagawa para sa kanilang industriya at mga kasama ay manananatili sa ala-ala ng marami.

Nakikiramay po kami sa kanilang mga naulila at hinihiling namin sa aming mga mambabasa na ipanalangin ang kanilang kaluluwa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with