^

Pang Movies

Gerald, aminadong mainit ang magdamag!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Aminado si Gerald Anderson na mainit ang kanyang magdamag.

Hmmm... obvious naman na dahil kaya Julia Barretto.

Pero ang init daw kasi ng panahon ngayon, sabay tawa ng aktor kahapon sa media launching ng pinag-uusapang teleserye na Init Sa Magdamag na pinagbibidahan nila nina Yam Concepcion and JM de Guzman.

Actually, justified sa mga pinasilip na eksena ang maiinit na ginawa nila ni Yam, ang title nito.

Pero ayon kay Gerald, ‘yun palang trending eksena niya kung saan siya naka-brief habang andun si Yam ay nagulat siya na may ganun nang iabot sa kanya ang brief.

Anyway, aminado naman si Yam na sa umpisa ay nagkaroon sila ng awkwardness ni Gerald pero nalampasan naman nila agad at naging comfortable na sa isa’t isa.

Mag-aalab nga ang telebisyon gabi-gabi sa isang kuwento ng agawan ng puso sa pinakaaabangan at bagong serye ng ABS-CBN Star Creatives na pinagbibidahan ng tatlo na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5 simula Abril 19 (Lunes).  

Pinag-usapan sa social media at tumabo na ng higit 12 milyon views ang trailer nito sa YouTube sa loob ng 13 araw mula noong in-upload ito. 

Gaganap sina Yam at JM bilang sina Rita at Peterson, ang mag-asawang sinusubok ang relasyon dahil nahihirapan silang magkaanak. Nabaog si Peterson dahil sa isang aksidente na kinasangkutan ilang taon na ang nakalipas.   

Fan Girl nina Paulo at Charlie, nag­hakot ng award sa EDDYS!

Humakot ng parangal ang pelikulang Fan Girl sa katatapos lang na 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Naganap ang maningning na digital awards night ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS kagabi na napanood sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) at iba pang online platforms kabilang na ang official Facebook page ng SPEEd.

Pito sa 14 tropeo na ipinamigay sa gabi ng parangal ang naiuwi ng pelikulang Fan Girl kabilang na ang Best Actress para kay Charlie Dizon at Best Actor para kay Paulo Avelino.

Nagwagi rin si Antoinette Jadaone bilang Best Director para sa nasabing pelikula at nakuha rin niya ang tropeo para sa kategoryang Best Screenplay.

Ito rin ang tinanghal na Best Picture.

Sa technical awards naman, nakuha rin ng pelikula ang Best Sound at Best Editing.

Waging Best Supporting Actor si Edgar Allan Guzman para sa pelikulang Coming Home habang itinanghal namang Best Supporting Actress si Shaina Magdayao para sa Tagpuan.

Nakasama ng mga opisyal at miyembro ng SPEEd ang award-winning Kapamilya host na si Robi Domingo na nagsilbing host.

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra, ito ay idinirek ni Ice Seguerra.

Narito ang listahan ng iba pang mga nagwagi :

Best Cinematography - Rody Lacap (Magikland)

Best Visual Effects - Richard Francis & Ryan Grimarez (Magikland)

Best Musical Score - Tie - On Vodka, Beers And Regrets & The Boy Foretold By The Stars

Best Production Design - Ericson Navarro (Magikland)

Best Sound - Vincent Villa (Fan Girl)

Best Editing - Benjamin Tolentino (Fan Girl)

Best Original - Theme Song - Ulan (The Boy Foretold By The Stars)

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with