_pang-masa
^
Kakai, may buwelta kay Mario!
Mario at Kakai

Kakai, may buwelta kay Mario!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 1, 2021 - 12:00am

May sagot na si Kakai Bautista sa demand letter ni Mario Maurer laban sa kanya na idinaan sa management nitong Kwaonhar Nine Co., Ltd. Ang manager ni Kakai na si Freddie Bautista ang nag-post ng statement sa tulong ng legal counsel na si Jude Marfil.

“We firmly and vehemently repudiate and detest in the strongest possible terms the claims of the ‘Authorized Attorney’ of Mr. Maurer’s agency against out client. They are palpably without any factual and legal bases.

“Further, his claim that our client ‘improperly exploited’ and made ‘false statements’ about Mr. Mario Maurer and his team already reek of libel a crime punishable under Art 353 of the revised penal code of the Philippines.”

Nakapirma sa statement si Kakai, ang manager niyang si Freddie at Atty. Marfil.

Kasama rin sa statement kung paano nakaapekto sa personal life at showbiz career ni Kakai ang demand letter.

“We are deeply alarmed and appalled as to how a private letter which severely tarnishes the reputation  and image of our client by making her appear as deceitful, lying, and exploitative woman and likewise contains personal information of our Client’s manager such as the latter’s address, made its way to the Philippine media.”

Nasa statement din na ang na-share lang ni Kakai ay ang working experiences niya kasama si Mario na kasama bilang co-worker.

“The truth of the matter is that any and all factual allegations of our Client as to her experience, connection, and communication with Mr. Maurer and the latter’s team are only based on truthful occurrences as substantiated by evidence and done without any malice or bad faith on her part- that is, a simple and truthful recollection of her personal experiences in working with an international public figure such as Mr. Mario Maurer, whom she has so cherished  and has held with high regard and respect.”

Kinuwestiyon din ng statement ang identity ng legal counsel ni Mario at ang kanyang talent agency na nagpadala ng cease and desist order kay Kakai.

“In this regard, we have demanded from alleged attorney of Mr. Mario Maurer’s agency to prove his identity and authority to send Cease and Demand letter on behalf of Mr. Maurer and the latter’s agency.”

Delivery man, nawindang nang makaharap si Marian

Nakakatuwang panoorin ang video ng isang nag-deliver ng in-order ni Marian Rivera na gourmet tuyo. Fan pala ni Marian ang nag-deliver na gawa ng Matteo’s Kitchen, kaya nang makita si Marian na siya mismong tumanggap ng order, nataranta na ang nag-deliver.

Dinig na dinig sa video ang pagkagulat nito nang makita na si Marian at biglang naghanap ng alcohol. Lalo pa itong nataranta dahil kinawayan at binati siya ni Marian na humarap sa kanya ng walang makeup, pero ang ganda-ganda pa rin, kaya lalong humanga ang nag-deliver.

Sa kanyang post, ikinuwento ni Mr. Delivery Man kung gaano niya hinangaan si Marian noong nagsisimula pa lang sa showbiz hanggang ngayon. Handa pa rin daw siyang makipag-away para ipagtanggol si Marian.

Sa post ni Mr. Delivery Man, makikita ang kahon na naglalaman ng in-order ni Marian. Kahon siya mag-order at hindi ilang piraso lang.

Dani, tagos sa puso ang wish

Simpleng kahilingan, pero tagos sa puso ang sagot ng Kapuso talent na si Dani Porter sa tanong sa cast ng I Can See You: #Future kung ano ang gusto niyang makita sa future? “Sa future, gusto ko makakita ng mga batang naglalaro dahil mula nang magka-pandemic, hindi na makalabas ng bahay ang mga bata. Sana, makapaglaro uli sila sa labas,” sabi nito, simpleng kahilingan pera tagos sa puso.

Anyway, ginagampanan ni Dani ang karakter ni Analyn Fuentes sa #Future bilang supportive at best friend ng karakter ni Kyline Alcantara.

Galing sa StarStruck si Dani, newcomer pa lang at nagpapasalamat na nakasama siya sa cast ng #Future.

KAKAI BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with