^

Pang Movies

Kuya Kim, kinampihan si Kakai

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kuya Kim, kinampihan si Kakai
Kuya Kim

Nakakuha ng suporta si Kakai Bautista kay Kim Atienza sa laban ng komedyante sa management ni Mario Maurer kung saan pinadalhan siya ng demand letter. “Unauthorized” daw ang pagbanggit ni Kakai at pagli-link niya sa kanyang sarili sa Thai actor. May banta pang idedemanda si Kakai kapag hindi tumigil.

Hindi ‘yun nagustuhan ni Kim at nag-tweet ng “Hayaan mo @kakaibautista you deserve to be linked to someone more deserving of you and your talent. Kainis.”

May netizens din na nagpahayag ng suporta kay Kakai, hindi raw kasalanan nito kung nawalan ng project si Mario dahil sa isyu, kasalanan ‘yun ng management ng Thai actor. Pati Pinoy fans ni Mario, nadismaya sa management nito at kay Kakai sila kumampi.

Sa Instagram ni Kakai, showbiz friends ni Kakai ang nagpahayag ng suporta, ‘wag daw pansinin si Mario dahil South Korean actors na ang sikat ngayon. May nabasa pa kaming nag-comment na taga-Thailand, pero ang suporta ay kay Kakai. Hindi lang namin alam kung legit ito.

Pero, legit ang tanong ng isang netizen na halimbawang si Liza Soberano si Kakai, tiyak hindi sila magrereklamo at gugustuhin pa ng collaboration.

Anyway, habang pinag-iinitan siya ng management ni Mario, nagtampisaw sa beach si Kakai, kasama ang bida sa First Yaya na si Sanya Lopez. Inimbita sila ni Gabby Concepcion sa beach resort nito sa Lobo, Batangas.

Andrea, dinalaw ng magulang

May mga nag-tear up sa pinost na video ni Andrea Torres nang dalawin siya ng parents niya sa lock-in taping niya ng Legal Wives sa location nila sa Laguna yata. Kahit walang sound ang video, ramdam ang pagkasabik ng parents ni Andrea sa aktres na hindi nila nakakasama dahil sa taping.

Malayo pa ang mom ni Andrea sa kanya, naka-dipa na ito at ang dad niya, naghihintay sa tabi ng kanilang van. Mararamdamang mahal si Andrea at ang parents nito dahil sa comment na sumusuporta sa kanila.

Pati nga students ng St. Scholastica’s College kung saan, professor ang dad ni Andrea, suportado rin ang aktres at positive ang comments sa dad niya.

Samantala, may nakita kaming photos ng Mountain Lake Resort sa Cavinti, Laguna na ginamit na location at kung saan din nag-i-stay ang cast, staff at crew. Maganda ang lugar at makakaganda sa visuals ng Legal Wives.

Lalo tuloy na-excite ang Kapuso viewers na mapanood na ang cultural drama series na bida si Dennis Trillo.

Claire, pinagdudahan ang akting

May mga nagdududa sa kakayahan ni Claire Castro na makipagsabayan kay Glaiza de Castro sa Nagbabagang Luha. Tanong ng netizens, makaya kaya ni Claire si Glaiza na malakas na nga ang screen presence, kapag nagbitaw na ng linya, lalo pang gumagaling.

Napanood ng ilang netizens ang teaser ng Afternoon Prime at may mga hindi na-impress. Kung anu-ano ang mga sinabing rason ng netizens, pero hindi naman siya bibigyan ng break ng GMA 7, kung walang nakitang galing sa kanya. Mas mabuti kung hintaying umere muna ang teleserye bago mag-comment.

Saka, ang ama ni Claire na si Diego Castro, naniniwala sa kakayahan ng anak. Masipag si Diego na i-promote ang Nagbabagang Luha na sa April 5 na ang premiere. Pinost nito ang teaser, poster at photo nina Claire, Glaiza at Rayver Cruz.

Doris, nangangailangan ng perang pampa-opera uli

Umaapela ng tulong ang anak ni Doris Bigornia na si Nikki Bigornia dahil sasailalim uli ng operasyon ang broadcaster. Sa nagtanong kung magkano inabot ang hospital bills ni Doris, ang sagot ni Nikki, inabot ng seven digits.

Hopefully, nakalikom ng sapat na halaga ang pamilya ni Doris para sa ilalagay na peacemaker sa puso niya na naka-schedule noong March 23.

Tweet ni Nikki, “We are knocking on everyones kind and generous hearts to help us in raising funds for mommy’s hospitalization. Any help will go a long way, even a retweet will do. Thank you and May God bless everyone.”

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with