_pang-masa
^
Mario, delayed ang reaction sa ­âpanggagamitâ ni Kakai
Kakai

Mario, delayed ang reaction sa ­‘panggagamit’ ni Kakai

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 25, 2021 - 12:00am

Tawa ako nang tawa sa sinulat ni Jun Nardo, Salve, sa Pilipino Star NGAYON na pinadalhan ng Thai lawyer ni Mario Maurer ng Cease, Desist and Refrain order si Kakai Bautista. Dahil daw ito sa panggagamit ni Kakai kay Mario na para bang lumalabas na may insinuation na nagkaroon ng M.U. ang dalawa noon.

‘Kalokah talaga dahil ‘di nga ba matagal nang balita iyon mula pa nang gumawa ng project dito ang Thai actor? Hindi ba tuwang-tuwa pa ang marami dahil para bang totoo naman na na-attract kay Kakai si Mario?

Dami ngang nainggit that time kay Kakai, bakit ngayon lang nag-react si Mario?

Saka teka, ano naman ang masama kung ma-link siya kay Kakai? Para namang comedy lang ‘di bah? So, hindi karapat-dapat si Kakai sa isang Mario Maurer, ganun? Bakit? Buti nga kay Kakai siya na-link, gusto niya kay Empoy? O gusto niya kay Vice Ganda?

Sige na, feelingera na si Kakai, pero dapat ding isipin ni Mario na artista siya at hindi big deal ‘yung merong may crush sa kanya, kaya tuloy mas sikat ang mga Korean Oppa eh, huwag violent reaction, chill lang, wala nang demanda.

Imagine mo, go sa Thailand si Kakai tuwing hearing, ang laking gastos nu’n ha, hingi ka na ng sorry, Kakai, at sa iba ka na magpa-link.

 Mag-ilusyon ka sa mas big star, mas bongga pa. Mario Maurer lang iyan noh, kay Leonardo DeCaprio ka mag-feeling close, Hollywood pa. Mas bongga! 

Daisy Reyes, abala sa negosyong tsinelas

Remember Daisy Reyes, Salve? ‘Yung kasabayan nina Aileen Damiles at Yedda Marie Romualdez sa Bb. Pilipinas noon? Nag-artista, naging konsehal sa Pateros at ngayon happily married na. Business niya ang paggawa ng slippers na ang market ay sa abroad, at mukha namang ok ito dahil matagal na siyang nasa business na ito. Remember ‘yung slipper ko na puno ng pearls na suot ko sa wedding nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa Paris, siya ang may bigay nu’n sa akin.

Na-appreciate ko na hanggang ngayon ay nagpaparamdam pa rin ng pagmamahal sa akin si Daisy Reyes. Natutuwa ako ‘pag nakakarinig ng magandang balita tungkol sa kanya. Kasi nga naging mabait siyang talent, naging masunurin at magalang. At gusto ko ring hangaan lahat ng narating niya sa sariling sikap, at ‘yung magagandang pangyayari sa kanya ay dahil din naging mabait at mabuting tao siya.

Daisy Reyes, saludo ako sa iyo, para ka ring si Nanette Medved na hindi nakakalimot at hindi nagbabago. For that, I will always pray na sana patuloy kang bigyan ng magandang kapalaran. Stay safe and happy.

KAKAI BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with