^

Pang Movies

Sharon, ibang klaseng magmahal ng kaibigan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sharon, ibang klaseng magmahal ng kaibigan
Sharon

Iba ring magmahal ng kaibigan si Megastar Sharon Cuneta. Nitong nakaraang ilang araw, nag-post si Sharon sa Instagram niya na humihingi ng dasal para sa kanyang TF, si Tita Fanny Serrano na na-stroke at dasal din niya, “Please Lord... don’t take him away from me yet... Don’t leave me, my dearest TF... I love you so, so much.” Maraming sumagot sa kanyang request at ngayon ay nagkamalay na at nagpapagaling na si TF na naging make-up artist niya nung nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Nang mag-start silang mag-shoot ng actress na si Rosanna Roces ng Revirginized ng Viva Films, nakilala raw niya ang actress na napakadaling mahalin dahil totoong tao, walang pretensions at napakalaki ng puso. 

At wala ring pakialam si Sharon kung mag-post man siya ng teaser ng kaibigang si Pops Fernandez, para sa Centerstage ng GMA Network na mapapanood this Sunday, March 21, 7:40 p.m., na mga judge sina Aicelle Santos, ang dati niyang musical director sa Sharon noon na si Mel Villena at si Pops nga. Nagpasalamat si Pops at miss na raw niya ang sis niya, sagot ni Sharon, “I love you, sis.  Miss you too.” Umabot ito ng almost 15K views na.

Shaira at EA, wala nang selosan

Paborito yatang pagtambalin ng GMA Network sina Shaira Diaz at Ruru Madrid. Una sana nilang pagtatambal sa action-drama series na Lolong, pero inihahanda pa ang lock-in taping nito, inuna muna silang pagtambalin sa first episode ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You: On My Way To You.

Romantic-drama ang weekly series, hindi kaya magselos ang kani-kanilang love? Open ang relasyon nina Shaira at EA Guzman at sina Ruru at Bianca Umali. Natawa si Shaira, dahil ang tagal na raw nila ni EA, wala na raw silang selosan. Saka ngayon daw ay naiintindihan na ng audience ang pinapanood nila, na acting lamang ang ginagawa nila.

Sa ngayon ay busy ang apat na Kapuso actors, dahil kung magkatambal man sina Shaira at Ruru, may project ding ginagawa si Bianca, ang Legal Wives na isa siya sa asawa ni Dennis Trillo sa serye.  Si EA naman ay isa sa katambal ni Julie Anne San Jose sa Heartful Café na malapit na ring mapanood sa GTV simula sa April 5.

Ang I Can See You: On My Way To You ay mapapanood na simula sa Monday, March 22, after ng First Yaya.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with