^

Pang Movies

Elias, lito kina John Lloyd at Derek?!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Elias, lito kina John Lloyd at Derek?!
Elias

Wala sa mga nanay na fans ni John Lloyd Cruz ang natutuwa at humahanga sa relasyong Derek Ramsay at Ellen Adarna. Hindi sila humahanga kundi naaawa sila sa unico hijo ng aktor na si Elias, dahil maaga raw itong confused o nalilito kung sino ba talaga ang tatay niya.

Sa dalas magkita nina Derek at Ellen with Elias, feeling niya siguro si Derek ang tatay niya.

Naku, sana maagapan daw ito ni Lloydie dahil isa sa pinakamasakit na maramdaman ay ang hindi ka makilala ng sarili mong anak. Tahimik lang naman si John Lloyd at hindi nangingialam sa relasyon ng dalawa na mula umpisa ay hindi nagsalita.

Samantala, kinukuwestyon pa rin ng marami ang pag-iingay ng dalawa kung gimik lang daw ba ito at kung may gagawin daw ba ang mga itong proyekto.

Well, tunay daw silang maligaya at talagang swak sa isa’t isa kaya hayaan na lang natin sila sa kung ano ba talaga ang magiging ending ng kanilang relasyon.

Sheryl, kinaiinggitan ng mga matrona

Ano bang meron ang Kapuso hunk actor na si Jeric Gonzales dahil mula nang umere ang seryeng Magkaagaw, palagi na lang nagsisigawan at nag-aaway sina Sheryl Cruz at Klea Pineda?

Maraming matrona naman ang naiinggit kay Sheryl dahil pogi at batang-bata raw ang nabihag para paibigin nito sa serye o sa totoong buhay nga ba?

Nora, nawawala na sa sariling serye

Mukhang kay Ina Feleo at Mylene Dizon na nakatutok ang atensyon sa seryeng Bilangin Ang Bituin Sa Langin kung kaya’t parang hindi na nabibigyan ng pansin ang nag-iisang Superstar Nora Aunor.

Hinahanap ng fans ng aktres ang presence niya sa istorya at pinagtatakhang paminsan-minsan na lang ito napapanood.

May mga nagtatanong naman kung matutuloy pa raw kaya ang pelikulang gagawin ni Guy kung saan siya unang gaganap na kontrabida. Ang problema lang ay kung saang sinehan ito ipapalabas dahil hindi pa rin pinapayagang buksan ang mga sinehan lalo na’t dumoble muli ang bilang ng COVID cases sa bansa. Sayang naman kung sa digital lang ito mapapanood, marami pa naman sa fans ng Superstar ang nagkakaedad na at hirap sa online.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with