^

Kim, sinuwerte sa pagiging loyal

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 14, 2021 - 12:00am

So far parang ok naman ang pasok ng trabaho kay Kim Chiu kahit pa nga pandemic. Hayan at may bago na naman siyang endorsement, at mukhang siya na talaga ang Princess ng dance floor. Nakakatawa na kahit magkauntug-untog siya ‘pag binabato sa dance number, ok lang siya, tuloy pa rin ang sayaw.

Isang bagay na napansin ko, madali siyang makapag-adjust sa kahit anong grupo kaya siguro lahat ay gusto siyang katrabaho.

Saka alam mo, Salve, kahit payat si Kim, talagang sexy pa rin siyang tingnan kasi ‘yung projection niya ay puno ng sex appeal, kaya bagay sa kanya ‘yung swimwear na ine-endorse niya. Payat pero sexy.

Good na ipinakita niya ang loyalty niya sa Star Magic at sa ABS-CBN kasi nga, now, isa siya sa major star ng station. Alagang-alaga siya at talagang precious dahil nga sa ipinakita niyang loyalty.

At totoo ‘yung sinasabi nila, minamahal at ginagalang niya ang press people kaya awardee siya ng Isah V. Red award ng The EDDYS.

Sariwang hangin, nakakasabik

Isang araw na out of town, parang ang laki nang nagawa na nakalanghap tayo ng ibang hangin, Salve, ha. Buong araw akong nakatulog na para bang pagod na pagod kinabukasan dahil sa biyahe na kung iisipin mo, mas nightmare pa nga ang traffic ng Manila/Makati sa traffic.

Baka ‘yung naiibang scenery at hangin ang nagpabago ng body clock natin, para bang nakakasabik talaga.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with