^

Pang Movies

Mga anak ni Sunshine, sunud-sunod na sa showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mga anak ni Sunshine, sunud-sunod na sa showbiz
Sunshine

Dalawa na sa tatlong anak ng dating mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano ang pumasok na rin sa showbiz. Nauna na rito ang kanilang panganay na anak na si Angelina Cruz at pangalawa naman si Samantha Cruz na kasamang ni-launch ng Star Magic kamakailan lamang.

Since nasa showbiz na sina Angelina at Samantha, hindi kami magtataka kung susunod na rin ang bunsong si Franchesca.

Ang magkakapatid na Angelina, Samantha at Francheska ay very close sa kanilang elder half-brother na si Diego Loyzaga, anak ni Cesar sa actress na si Teresa Loyzaga. Whenever they have free time ay nakukuha pa rin nilang mag-bonding with their Kuya Diego.

Matagal nang buking...

Matagal nang alam ng publiko ang tungkol sa relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto.  Kumpirmasyon lamang sa dalawa ang hinintay ng publiko. Ngayong inamin na ng actor sa King of Talk na si Boy Abunda ang relasyon nila ni Julia, mahihinto na siguro ang ispekulasyon sa relasyon ng dalawa.

If Gerald was quiet throughout the controversy noong paghihiwalay nila ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo noong 2019, dapat siguro ay huwag na lamang ungkatin pa kung ano ang naging problema ng dalawa noong sila pa ang nagsasama. After all, pareho na silang nakapag-move on sa kanilang respective lives and career at hindi na kailangan pa ng sumbatan at paliwanagan kung ano ang nangyari sa kanilang paghihiwalay.

Kung masaya ang puso ngayon ni Gerald, so be it. Pero dapat siguro huwag na siyang mag-ungkat pa ng past nila ni Bea na nakatagpo na rin ng bagong mamahalin sa katauhan ng actor na si Dominic Roque although hindi pa rin umaamin ang dalawa kahit ob­vious din ang kanilang relasyon.

Rosanna at Sharon, nagkasundo

Masayang-masaya si Rosanna Roces dahil nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni megastar Sharon Cuneta.

Sina Sharon at Rosanna ay magkasama for the first time sa pelikulang Revirginized mula sa panulat at direksiyon ng batang director na si Darryl Yap. Tampok din sa nasabing pelikula sina Albert Martinez, Marco Gumabao at ang nagbabalik-showbiz na si Cristina Gonzalez.

Hindi makapaniwala si Osang (palayaw ni Rosanna) na magiging close friend niya si Mega.

Lance, nagbalik-tanaw sa pagkakabasag ng mukha

Alam mo ba, Salve A., na kahit kelan ay hindi pa nag-away ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo kahit noong maliliit pa sila?

Bibihira sa magkasunod na magkapatid ang hindi nag-aaway pero tila exceptional ang kaso nina Rannie at Lance, ang dalawang anak ng dating beauty queen-turned actress na si Nina Zaldua at ng namayapang negosyanteng si Nilo Raymundo.

Sa simula pa lamang ng kanilang pagkabata hanggang sa kanilang paglaki ay likas nang close sa isa’t isa ang magkapatid kahit may saraling pamilya na ang una.

Bago namayapa ang kanilang ama, he made it a point na nasa isang condomi­nium silang lahat nakatira pero nasa magkakaibang palapag. Si Rannie at ang kanyang sariling pamilya ay sa isang unit, sa ibang floor naman ang kanilang inang si Nina at nasa ibang palapag din si Lance. Pero kapag oras na ng dinner ay sama-sama silang lahat sa unit ng kanilang inang si Nina. Sama-sama rin umano silang nagdadasal. Ganoon sila ka-closely-knit as a family lalo na nang magkasakit ang kanilang amang si Nilo na halos dalawang taon ding naratay sa banig ng karamdaman bago ito tuluyang sumakabilang-buhay noong 2018.

Nasubok din ang tatag ng pamilya nang magkaroon ng aksidente si Lance noong March 2014 nang mabagsakan ng 80 lbs. barbell ang kanyang mukha na lumubog ng 3 inches habang ito’y nasa loob ng gym. Walang mag-aakalang mabubuhay pa si Lance at muling mabubuo ang kanyang mukha.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with