^
Gerald, kinontra ang ghosting kay bea!
Gerald Anderson

Gerald, kinontra ang ghosting kay bea!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

Relasyon kay Julia, inamin na

Habang sinusulat namin ito ay wala pang reaction sina Bea Alonzo at Julia Barretto sa exclusive interview kahapon ni tito Boy Abunda kay Gerald Anderson.

“Very happy. It’s a yes,” ang sagot ni Gerald tungkol sa kanila ni Julia nang tanungin kung bakit siya masaya habang itinanggi naman nitong ginhost niya si Bea.

Sa one-on-one interview nga with tito Boy sinabi nitong wala siyang ghinost at literal na kinontra ang mga statement ni Bea pagkatapos nilang maghiwalay more than a year ago. “Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa ‘kin is parang nasa gitna kami ng dinner and then nag-decide ako na mag-walkout and ‘di magpapakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic not saying na siya ‘yung toxic, ako ‘yung toxic but being together we were very toxic, and hindi nirerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that,” pahayag ng actor na first time nagsalita sa matagal nang pinag-uusapang panggo-ghost niya   kung saan nga nadawit ang pangalan ni Julia.

Sinabi rin nitong ayaw niyang manggamit ng ibang pangalan para linisin ang kanyang pangalan. “I will never throw someone under the bus para lang linisin ‘yung pangalan ko, lalo na ‘yung tao na I have intimate moments with, I had happy moments with. Lalo na itong last, ang pangit. Ang lala,” dagdag pa niya pa kay tito Boy.

Oo nga at ngayon lang officially umamin si Gerald tungkol sa kanila ni Julia pero common knowledge na sa ilang taga-showbiz ang relasyon nila lalo na nga at nakikita diumano ang actor na dumadalaw ng bahay ni Julia noong lockdown.

Ang hihintayin na lang ngayon ay ang sagot ni Bea na literal na kinontra ni Gerald ang mga sinabi after ng kanilang break up.

Apat pang ABS-CBN shows, tuloy na ang airing sa TV5!

Simula sa Lunes, matutunghayan na sa TV5  ang FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo ay Akin,   Walang Hanggang Paalam, at Pinoy Big Brother (PBB) Connect  ng ABS-CBN, mula Lunes hanggang Biyernes ng 8 pm hanggang 10:30 p.m.

Mula 2015 ay kinagigiliwan na ng televiewers ang FPJ’s Ang Probinsyano na tuloy pa rin ang pagpapalabas at hindi magwawakas sa Abril 2021, gaya nang naibalita.

Samantala, ang Ang Sa Iyo ay Akin, ang pinaka-pinapanood na programa sa iWantTFC na nasa huling dalawang linggo na, at ang family drama na Walang Hanggang Paalam ay patuloy na tinututukan ng mga manonood mula noong 2020.

Ipapalabas din ng TV5 ang kapana-panabik na hu­ling linggo ng PBB Connect mula Lunes (Mar 8) hanggang sa Big Night sa Linggo (Marso 14), matapos ang maraming linggong paghahatid ng ‘teleserye ng totoong buhay’ at mga aral sa pamamagitan ng mga hamon ni Kuya para sa housemates.

“We welcome the inclusion of ABS-CBN entertainment shows in our roster of programs. We believe that this content deal will benefit Filipino viewers across the country because of TV5’s extensive coverage,” sabi ni Robert P. Galang, presidente at CEO ng Cignal at TV5.

Nauna nang napanood sa TV5 ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King tuwing Linggo umpisa noong Enero 24.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with